Muslim99Muslim99
← Tafsir library

12. Yusuf

Joseph · Meccan · 111 ayahs

سُورَةُ يُوسُفَ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 51–60 of 111

51

قَالَ مَا خَطْبُكُنَّ إِذْ رَٰوَدتُّنَّ يُوسُفَ عَن نَّفْسِهِۦ ۚ قُلْنَ حَٰشَ لِلَّهِ مَا عَلِمْنَا عَلَيْهِ مِن سُوٓءٍۢ ۚ قَالَتِ ٱمْرَأَتُ ٱلْعَزِيزِ ٱلْـَٰٔنَ حَصْحَصَ ٱلْحَقُّ أَنَا۠ رَٰوَدتُّهُۥ عَن نَّفْسِهِۦ وَإِنَّهُۥ لَمِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ

Said [the king to the women], "What was your condition when you sought to seduce Joseph?" They said, "Perfect is Allah! We know about him no evil." The wife of al-'Azeez said, "Now the truth has become evident. It was I who sought to seduce him, and indeed, he is of the truthful.

Nagsabi ang hari habang nakikipag-usap sa mga babae: "Ano ang pumapatungkol sa inyo nang humiling kayo kay Yusuf sa pamamagitan ng isang panlalalang upang gumawa siya ng mahalay sa inyo?" Nagsabi ang mga babae bilang sagot sa hari: "Malayo kay Allāh na si Yusuf ay maging pinaghihinalaan. Sumpa man kay Allāh, hindi kami nakaalam sa kanya ng anumang kasagwaan." Kaya sa sandaling iyon ay nagsabi ang maybahay ng Makapangyarihan habang umaamin sa ginawa nito: "Ngayon ay lumitaw ang katotohanan. Ako ay nagtangka na mang-akit sa kanya at hindi siya nagtangka na mang-akit sa akin. Tunay na siya ay kabilang sa mga tapat sa anumang inangkin niya na kawalang-sala niya sa ipinaratang ko sa kanya."

52

ذَٰلِكَ لِيَعْلَمَ أَنِّى لَمْ أَخُنْهُ بِٱلْغَيْبِ وَأَنَّ ٱللَّهَ لَا يَهْدِى كَيْدَ ٱلْخَآئِنِينَ

That is so al-'Azeez will know that I did not betray him in [his] absence and that Allah does not guide the plan of betrayers.

Nagsabi ang maybahay ng Makapangyarihan: "Upang malaman ni Jose nang umamin ako na ako ay ang nagtangkang umakit sa kanya at na siya ay tapat, na ako ay hindi gumawa-gawa laban sa kanya sa pagkaliban niya sapagkat luminaw para sa akin mula sa nangyari na si Allāh ay hindi nagtutuon sa sinumang nagsisinungaling at nanlalansi."

53

۞ وَمَآ أُبَرِّئُ نَفْسِىٓ ۚ إِنَّ ٱلنَّفْسَ لَأَمَّارَةٌۢ بِٱلسُّوٓءِ إِلَّا مَا رَحِمَ رَبِّىٓ ۚ إِنَّ رَبِّى غَفُورٌۭ رَّحِيمٌۭ

And I do not acquit myself. Indeed, the soul is a persistent enjoiner of evil, except those upon which my Lord has mercy. Indeed, my Lord is Forgiving and Merciful."

Nagpatuloy ang maybahay ng Makapangyarihan sa pagsasalita nito, na nagsasabi: "Hindi ako nagpapawalang-kinalaman ng sarili ko sa pagnanais ng kasagwaan at hindi ako nagnais niyon ng pagbibigay-matuwid sa sarili ko dahil ang gawi ng kaluluwang pantao ay ang kadalasan ng pag-uutos ng kasagwaan dahil sa pagkahilig nito sa ninanasa nito at sa kahirapan ng pagpigil nito roon, maliban sa kinaawaan ni Allāh na mga kaluluwa sapagkat nagsanggalang Siya sa mga ito laban sa pag-uutos ng kasagwaan. Tunay na ang Panginoon ko ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila."

54

وَقَالَ ٱلْمَلِكُ ٱئْتُونِى بِهِۦٓ أَسْتَخْلِصْهُ لِنَفْسِى ۖ فَلَمَّا كَلَّمَهُۥ قَالَ إِنَّكَ ٱلْيَوْمَ لَدَيْنَا مَكِينٌ أَمِينٌۭ

And the king said, "Bring him to me; I will appoint him exclusively for myself." And when he spoke to him, he said, "Indeed, you are today established [in position] and trusted."

Nagsabi ang hari sa mga tagatulong nito noong luminaw para rito ang kawalang-sala ni Yusuf at ang pagkakaalam ng maybahay: "Maghatid kayo sa kanya sa akin, magtatalaga ako sa kanya bilang natatangi para sa sarili ko." Kaya inihatid nila siya sa hari. Kaya noong nakausap siya nito at luminaw para rito ang kaalaman niya at ang pagkaunawa niya, nagsabi ito sa kanya: "Tunay na ikaw, O Yusuf, sa araw na ito sa ganang amin ay naging isang may katungkulan at reputasyon at isang pinagtitiwalaan."

55

قَالَ ٱجْعَلْنِى عَلَىٰ خَزَآئِنِ ٱلْأَرْضِ ۖ إِنِّى حَفِيظٌ عَلِيمٌۭ

[Joseph] said, "Appoint me over the storehouses of the land. Indeed, I will be a knowing guardian."

Nagsabi si Jose sa hari: "Magpamahala ka sa akin sa pag-iingat ng mga imbakan ng yaman at mga pagkain sa Lupain ng Ehipto sapagkat tunay na ako ay isang tagaingat-yamang mapagkakatiwalaan, at may kaalaman at pagkatalos sa pinamamahalaan ko."

56

وَكَذَٰلِكَ مَكَّنَّا لِيُوسُفَ فِى ٱلْأَرْضِ يَتَبَوَّأُ مِنْهَا حَيْثُ يَشَآءُ ۚ نُصِيبُ بِرَحْمَتِنَا مَن نَّشَآءُ ۖ وَلَا نُضِيعُ أَجْرَ ٱلْمُحْسِنِينَ

And thus We established Joseph in the land to settle therein wherever he willed. We touch with Our mercy whom We will, and We do not allow to be lost the reward of those who do good.

Kung paanong nagmagandang-loob Kami kay Jose ng pagkawalang-sala at paglaya sa pagkakulong, nagmagandang-loob Kami sa kanya ng pagbibigay-kapangyarihan para sa kanya sa Ehipto. Nanunuluyan siya at naninirahan siya sa alinmang lugar na niloob niya. Nagbibigay Kami mula sa awa Namin sa Mundo sa sinumang niloloob Namin kabilang sa mga lingkod Namin. Hindi Kami nagwawala ng gantimpala sa mga tagagawa ng maganda, bagkus magtutumbas Kami sa kanila nito nang ganap nang hindi kinukulangan.

57

وَلَأَجْرُ ٱلْءَاخِرَةِ خَيْرٌۭ لِّلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَكَانُوا۟ يَتَّقُونَ

And the reward of the Hereafter is better for those who believed and were fearing Allah.

Talagang ang gantimpala ni Allāh na inihanda Niya sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti kaysa sa gantimpala ng Mundo para sa mga sumampalataya kay Allāh at sila noon ay nangingilag magkasala sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.

58

وَجَآءَ إِخْوَةُ يُوسُفَ فَدَخَلُوا۟ عَلَيْهِ فَعَرَفَهُمْ وَهُمْ لَهُۥ مُنكِرُونَ

And the brothers of Joseph came [seeking food], and they entered upon him; and he recognized them, but he was to them unknown.

Sumapit ang mga kapatid ni Jose sa Lupain ng Ehipto na may dalang paninda nila. Saka pumasok sila sa kanya, saka nakakilala siya na sila ay mga kapatid niya samantalang hindi sila nakakilala na siya ay kapatid nila, dahil sa tagal ng panahon at pagbabago ng anyo niya dahil siya noon ay isang bata nang itinapon nila sa balon.

59

وَلَمَّا جَهَّزَهُم بِجَهَازِهِمْ قَالَ ٱئْتُونِى بِأَخٍۢ لَّكُم مِّنْ أَبِيكُمْ ۚ أَلَا تَرَوْنَ أَنِّىٓ أُوفِى ٱلْكَيْلَ وَأَنَا۠ خَيْرُ ٱلْمُنزِلِينَ

And when he had furnished them with their supplies, he said, "Bring me a brother of yours from your father. Do not you see that I give full measure and that I am the best of accommodators?

Noong nakapagbigay siya sa kanila ng hiniling nila na panlaang pagkain at baon ay nagsabi siya, matapos na nagpabatid sila sa kanya na mayroon silang isang kapatid sa ama nila na iniwan nila sa piling ng ama nito: "Dalhin ninyo sa akin ang kapatid ninyo mula sa ama ninyo, magdaragdag ako sa inyo ng isang pasan ng kamelyo. Hindi ba ninyo nakikita na ako ay nagpapakumpleto ng pagtatakal at hindi kumukulang nito, at ako ay pinakamabuti sa mga tagatanggap ng panauhin?

60

فَإِن لَّمْ تَأْتُونِى بِهِۦ فَلَا كَيْلَ لَكُمْ عِندِى وَلَا تَقْرَبُونِ

But if you do not bring him to me, no measure will there be [hereafter] for you from me, nor will you approach me."

Ngunit kung hindi kayo maghahatid sa kanya sa akin, lilinaw ang pagsisinungaling ninyo sa pag-aangkin ninyo na mayroon kayong isang kapatid mula sa ama ninyo, kaya hindi ako magtatakal sa inyo ng pagkain at huwag kayong lumapit sa bayan ko."

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.