Muslim99Muslim99
← Tafsir library

12. Yusuf

Joseph · Meccan · 111 ayahs

سُورَةُ يُوسُفَ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 41–50 of 111

41

يَٰصَىٰحِبَىِ ٱلسِّجْنِ أَمَّآ أَحَدُكُمَا فَيَسْقِى رَبَّهُۥ خَمْرًۭا ۖ وَأَمَّا ٱلْءَاخَرُ فَيُصْلَبُ فَتَأْكُلُ ٱلطَّيْرُ مِن رَّأْسِهِۦ ۚ قُضِىَ ٱلْأَمْرُ ٱلَّذِى فِيهِ تَسْتَفْتِيَانِ

O two companions of prison, as for one of you, he will give drink to his master of wine; but as for the other, he will be crucified, and the birds will eat from his head. The matter has been decreed about which you both inquire."

O dalawang kapisan ko sa bilangguan, hinggil sa nanaginip na siya ay pumipiga ng ubas upang maging alak, tunay na siya ay lalabas mula sa kulungan at manunumbalik sa gawain niya para magpainom siya sa hari; at hinggil naman sa nanaginip na sa ibabaw ng ulo niya ay may tinapay na kumakain ang mga ibon mula roon, tunay na siya ay papatayin at bibitayin kaya kakain ang mga ibon mula sa karne ng ulo niya. Natapos ang usapin na humiling kayong dalawa ng habilin hinggil doon at nalubos sapagkat ito ay magaganap nang walang pasubali."

42

وَقَالَ لِلَّذِى ظَنَّ أَنَّهُۥ نَاجٍۢ مِّنْهُمَا ٱذْكُرْنِى عِندَ رَبِّكَ فَأَنسَىٰهُ ٱلشَّيْطَٰنُ ذِكْرَ رَبِّهِۦ فَلَبِثَ فِى ٱلسِّجْنِ بِضْعَ سِنِينَ

And he said to the one whom he knew would go free, "Mention me before your master." But Satan made him forget the mention [to] his master, and Joseph remained in prison several years.

Nagsabi si Jose sa natiyak niya na ito ay maliligtas mula sa dalawang ito – ang tagapagpainom ng hari: "Bumanggit ka ng kasaysayan ko at lagay ko sa piling ng hari, nang sa gayon siya ay magpalabas sa akin mula sa bilangguan," ngunit nagpalimot ang Demonyo sa tagapagpainom ng pagbanggit kay Jose sa piling ng hari, kaya nanatili si Jose sa bilangguan matapos niyon nang ilang taon.

43

وَقَالَ ٱلْمَلِكُ إِنِّىٓ أَرَىٰ سَبْعَ بَقَرَٰتٍۢ سِمَانٍۢ يَأْكُلُهُنَّ سَبْعٌ عِجَافٌۭ وَسَبْعَ سُنۢبُلَٰتٍ خُضْرٍۢ وَأُخَرَ يَابِسَٰتٍۢ ۖ يَٰٓأَيُّهَا ٱلْمَلَأُ أَفْتُونِى فِى رُءْيَٰىَ إِن كُنتُمْ لِلرُّءْيَا تَعْبُرُونَ

And [subsequently] the king said, "Indeed, I have seen [in a dream] seven fat cows being eaten by seven [that were] lean, and seven green spikes [of grain] and others [that were] dry. O eminent ones, explain to me my vision, if you should interpret visions."

Nagsabi ang hari: "Tunay na ako ay nakakita sa panaginip ng pitong bakang matataba na kinakain ng pitong bakang payat at nakakita ng pitong uhay na luntian at pitong uhay na tuyot. O mga ginoo at mga maharlika, magpabatid kayo sa akin ng pagpapakahulugan sa panaginip kong ito kung nangyaring kayo ay mga nakaaalam ng pagpapakahulugan ng panaginip."

44

قَالُوٓا۟ أَضْغَٰثُ أَحْلَٰمٍۢ ۖ وَمَا نَحْنُ بِتَأْوِيلِ ٱلْأَحْلَٰمِ بِعَٰلِمِينَ

They said, "[It is but] a mixture of false dreams, and we are not learned in the interpretation of dreams."

Nagsabi sila: "Ang panaginip mo ay mga paghahalo ng mga napanaginipan. Ito ay hindi gayon kaya walang pagpapakahulugan dito. Hindi kami mga nakaaalam sa pagpapaliwanag ng mga napanaginipang nagkahalu-halo."

45

وَقَالَ ٱلَّذِى نَجَا مِنْهُمَا وَٱدَّكَرَ بَعْدَ أُمَّةٍ أَنَا۠ أُنَبِّئُكُم بِتَأْوِيلِهِۦ فَأَرْسِلُونِ

But the one who was freed and remembered after a time said, "I will inform you of its interpretation, so send me forth."

Nagsabi ang tagapagpainom na naligtas mula sa dalawang binatang bilanggo, at nakaalaala kay Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at sa taglay niya na kaalaman sa pagpapakahulugan sa panaginip, matapos ng isang yugto: "Ako ay magpapabatid sa inyo hinggil sa pagpapakahulugan sa napanaginipan ng hari matapos ng pagtatanong sa may kaalaman sa pagpapakahulugan nito. Kaya magpadala ka sa akin, O hari, kay Jose upang magpakahulugan siya sa panaginip mo."

46

يُوسُفُ أَيُّهَا ٱلصِّدِّيقُ أَفْتِنَا فِى سَبْعِ بَقَرَٰتٍۢ سِمَانٍۢ يَأْكُلُهُنَّ سَبْعٌ عِجَافٌۭ وَسَبْعِ سُنۢبُلَٰتٍ خُضْرٍۢ وَأُخَرَ يَابِسَٰتٍۢ لَّعَلِّىٓ أَرْجِعُ إِلَى ٱلنَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَعْلَمُونَ

[He said], "Joseph, O man of truth, explain to us about seven fat cows eaten by seven [that were] lean, and seven green spikes [of grain] and others [that were] dry - that I may return to the people; perhaps they will know [about you]."

Kaya noong nakarating kay Jose ang nakaligtas ay nagsabi ito sa kanya: "O Jose, O pagkatapat-tapat, magpabatid ka sa amin tungkol sa pagpapakahulugan sa nanaginip ng pitong bakang matataba na kinain ng pitong bakang payat, at nanaginip ng pitong uhay na luntian at nanaginip ng pitong uhay na tuyot, nang sa gayon ako ay babalik tungo sa hari at mga nasa piling niya, nang sa gayon sila ay makaaalam ng paghahayag sa panaginip ng hari at makaaalam sa kalamangan mo at kalagayan mo."

47

قَالَ تَزْرَعُونَ سَبْعَ سِنِينَ دَأَبًۭا فَمَا حَصَدتُّمْ فَذَرُوهُ فِى سُنۢبُلِهِۦٓ إِلَّا قَلِيلًۭا مِّمَّا تَأْكُلُونَ

[Joseph] said, "You will plant for seven years consecutively; and what you harvest leave in its spikes, except a little from which you will eat.

Nagsabi si Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – habang naghahayag sa panaginip na ito: "Magtatanim kayo nang pitong taong nagkakasunuran nang dibdiban, saka ang anumang aanihin ninyo sa bawat taon mula sa pitong taong iyon ay iwan ninyo sa mga uhay nito bilang paghahadlang dito laban sa pagkabulok, maliban sa kaunti mula sa kakailanganin ninyong mga butil para kainin.

48

ثُمَّ يَأْتِى مِنۢ بَعْدِ ذَٰلِكَ سَبْعٌۭ شِدَادٌۭ يَأْكُلْنَ مَا قَدَّمْتُمْ لَهُنَّ إِلَّا قَلِيلًۭا مِّمَّا تُحْصِنُونَ

Then will come after that seven difficult [years] which will consume what you saved for them, except a little from which you will store.

Pagkatapos may darating – matapos na ng pitong taon na mataba na iyon na nagtanim kayo sa mga iyon – na pitong taong tagtuyot, na kakain ang mga tao sa mga iyon ng bawat inani sa mga taon na mataba, maliban sa kaunti mula sa iniingatan ninyo na bahagi ng magiging punla.

49

ثُمَّ يَأْتِى مِنۢ بَعْدِ ذَٰلِكَ عَامٌۭ فِيهِ يُغَاثُ ٱلنَّاسُ وَفِيهِ يَعْصِرُونَ

Then will come after that a year in which the people will be given rain and in which they will press [olives and grapes]."

Pagkatapos may darating – matapos ng mga taon na tagtuyot na iyon – na isang taon na bababa doon ang mga ulan, tutubo ang mga pananim, at pipiga doon ang mga tao ng kakailanganin para pigain gaya ng ubas, oliba, at tubo.

50

وَقَالَ ٱلْمَلِكُ ٱئْتُونِى بِهِۦ ۖ فَلَمَّا جَآءَهُ ٱلرَّسُولُ قَالَ ٱرْجِعْ إِلَىٰ رَبِّكَ فَسْـَٔلْهُ مَا بَالُ ٱلنِّسْوَةِ ٱلَّٰتِى قَطَّعْنَ أَيْدِيَهُنَّ ۚ إِنَّ رَبِّى بِكَيْدِهِنَّ عَلِيمٌۭ

And the king said, "Bring him to me." But when the messenger came to him, [Joseph] said, "Return to your master and ask him what is the case of the women who cut their hands. Indeed, my Lord is Knowing of their plan."

Nagsabi ang Hari sa mga tagatulong nito noong umabot dito ang paghahayag ni Jose sa panaginip nito: "Palabasin ninyo siya mula sa bilangguan at dalhin ninyo siya sa akin." Ngunit noong dumating kay Jose ang sugo ng hari ay nagsabi siya rito: "Bumalik ka tungo sa amo mong hari saka tanungin mo siya tungkol sa kasaysayan ng mga babaing sumugat sa mga kamay nila upang lumitaw ang kawalang-sala ko bago ng paglabas mula sa bilangguan. Tunay na ang Panginoon ko, sa ginawa nila sa akin na pagtatangkang mang-akit, ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman doon."

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.