Muslim99Muslim99
← Tafsir library

12. Yusuf

Joseph · Meccan · 111 ayahs

سُورَةُ يُوسُفَ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 21–30 of 111

21

وَقَالَ ٱلَّذِى ٱشْتَرَىٰهُ مِن مِّصْرَ لِٱمْرَأَتِهِۦٓ أَكْرِمِى مَثْوَىٰهُ عَسَىٰٓ أَن يَنفَعَنَآ أَوْ نَتَّخِذَهُۥ وَلَدًۭا ۚ وَكَذَٰلِكَ مَكَّنَّا لِيُوسُفَ فِى ٱلْأَرْضِ وَلِنُعَلِّمَهُۥ مِن تَأْوِيلِ ٱلْأَحَادِيثِ ۚ وَٱللَّهُ غَالِبٌ عَلَىٰٓ أَمْرِهِۦ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَ ٱلنَّاسِ لَا يَعْلَمُونَ

And the one from Egypt who bought him said to his wife, "Make his residence comfortable. Perhaps he will benefit us, or we will adopt him as a son." And thus, We established Joseph in the land that We might teach him the interpretation of events. And Allah is predominant over His affair, but most of the people do not know.

Nagsabi ang lalaking bumili sa kanya mula sa Ehipto sa maybahay nito: "Gumawa ka ng maganda sa kanya at magparangal ka sa pananatili niya kasama sa atin. Harinawa siya ay magpapakinabang sa atin sa pagsasagawa sa ilan sa kinakailangan natin, o gawin nating anak sa pamamagitan ng pag-ampon." Kung paanong nagligtas si Allāh kay Jose mula sa pagkakapatay, nagpalabas Siya rito mula sa balon, at nagpairog dito sa puso ng Makapangyarihan, nagbigay-kapangyarihan si Allāh para sa kanya sa Ehipto at upang magturo Siya sa kanya ng pagpapakahulugan ng mga panaginip. Si Allāh ay nananaig sa pinangyayari Niya sapagkat ang pinangyayari Niya ay matutupad, saka walang nakapipilit sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – subalit ang karamihan sa mga tao – ang mga tagatangging sumampalataya – ay hindi nakaaalam niyon.

22

وَلَمَّا بَلَغَ أَشُدَّهُۥٓ ءَاتَيْنَٰهُ حُكْمًۭا وَعِلْمًۭا ۚ وَكَذَٰلِكَ نَجْزِى ٱلْمُحْسِنِينَ

And when Joseph reached maturity, We gave him judgment and knowledge. And thus We reward the doers of good.

Noong umabot si Jose sa edad ng kalakasan ng katawan ay nagbigay si Allāh sa kanya ng pagkaintindi at kaalaman. Tulad ng ganting ito na iginanti ni Allāh sa kanya, gaganti Siya sa mga tagagawa ng maganda sa pagsamba nila sa Kanya.

23

وَرَٰوَدَتْهُ ٱلَّتِى هُوَ فِى بَيْتِهَا عَن نَّفْسِهِۦ وَغَلَّقَتِ ٱلْأَبْوَٰبَ وَقَالَتْ هَيْتَ لَكَ ۚ قَالَ مَعَاذَ ٱللَّهِ ۖ إِنَّهُۥ رَبِّىٓ أَحْسَنَ مَثْوَاىَ ۖ إِنَّهُۥ لَا يُفْلِحُ ٱلظَّٰلِمُونَ

And she, in whose house he was, sought to seduce him. She closed the doors and said, "Come, you." He said, "[I seek] the refuge of Allah. Indeed, he is my master, who has made good my residence. Indeed, wrongdoers will not succeed."

Hiniling ng maybahay ng Makapangyarihan nang may lumanay at paggamit ng panggugulang kay Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na gumawa ng mahalay. Nagsara ito ng mga pinto bilang pagpapasidhi sa pagsasarilinan at nagsabi ito sa kanya: "Pumarito ka at halika ka sa akin!" Kaya nagsabi si Jose: "Nagpapasanggalang ako kay Allāh laban sa pag-anyaya mo sa akin! Tunay na ang amo ko ay gumawa ng maganda sa akin sa pagpapanatili sa akin sa piling niya kaya hindi ako magtataksil sa kanya sapagkat kung nagtaksil ako sa kanya, ako ay magiging isang tagalabag sa katarungan. Tunay na hindi nagtatamo ang mga tagalabag sa katarungan."

24

وَلَقَدْ هَمَّتْ بِهِۦ ۖ وَهَمَّ بِهَا لَوْلَآ أَن رَّءَا بُرْهَٰنَ رَبِّهِۦ ۚ كَذَٰلِكَ لِنَصْرِفَ عَنْهُ ٱلسُّوٓءَ وَٱلْفَحْشَآءَ ۚ إِنَّهُۥ مِنْ عِبَادِنَا ٱلْمُخْلَصِينَ

And she certainly determined [to seduce] him, and he would have inclined to her had he not seen the proof of his Lord. And thus [it was] that We should avert from him evil and immorality. Indeed, he was of Our chosen servants.

Talaga ngang napaibig ang sarili nito sa paggawa ng mahalay; at sumagi sa sarili ni Jose mismo iyon, kung sakaling hindi siya nakakita ng mula sa mga tanda ni Allāh, na pumipigil sa kanya roon at naglalayo sa kanya. Ipinakita nga sa kanya ni Allāh iyon upang alisin sa kanya ang kasagwaan at ilayo siya sa pangangalunya at pagtataksil. Tunay na si Jose ay kabilang sa mga lingkod ni Allāh na mga pinili para sa pagkasugo at pagkapropeta.

25

وَٱسْتَبَقَا ٱلْبَابَ وَقَدَّتْ قَمِيصَهُۥ مِن دُبُرٍۢ وَأَلْفَيَا سَيِّدَهَا لَدَا ٱلْبَابِ ۚ قَالَتْ مَا جَزَآءُ مَنْ أَرَادَ بِأَهْلِكَ سُوٓءًا إِلَّآ أَن يُسْجَنَ أَوْ عَذَابٌ أَلِيمٌۭ

And they both raced to the door, and she tore his shirt from the back, and they found her husband at the door. She said, "What is the recompense of one who intended evil for your wife but that he be imprisoned or a painful punishment?"

Nag-unahan silang dalawa patungo sa pintuan: si Jose upang magligtas siya sa sarili niya at ang babae upang pumigil ito sa kanya sa paglabas, saka humawak ito sa kamisa niya upang pumigil sa kanya sa paglabas kaya nakawarat ito roon mula sa likuran niyon. Nakatagpo silang dalawa sa asawa nito sa tabi ng pinto. Nagsabi ang maybahay ng Makapangyarihan sa Makapangyarihan habang nanggugulang: "Walang iba ang parusa sa sinumang naglayon sa maybahay mo, O Makapangyarihan, ng paggawa ng mahalay kundi ang pagkabilanggo o na pagdusahin ng isang pagdurusang nakasasakit."

26

قَالَ هِىَ رَٰوَدَتْنِى عَن نَّفْسِى ۚ وَشَهِدَ شَاهِدٌۭ مِّنْ أَهْلِهَآ إِن كَانَ قَمِيصُهُۥ قُدَّ مِن قُبُلٍۢ فَصَدَقَتْ وَهُوَ مِنَ ٱلْكَٰذِبِينَ

[Joseph] said, "It was she who sought to seduce me." And a witness from her family testified. "If his shirt is torn from the front, then she has told the truth, and he is of the liars.

Nagsabi si Yusuf – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Siya ang humiling mula sa akin ng mahalay at hindi ako nagnais niyon mula sa kanya." May naudyukan na isang paslit kabilang sa kasambahay nito, saka sumaksi iyon sa pagsabi niyon: "Kung ang kamisa ni Yusuf ay nawarat mula sa harapan niyon, iyon ay isang kaugnay na patunay sa katapatan nito (babae) dahil ito ay nagtatanggol sa kanya ng sarili nito kaya siya ay sinungaling."

27

وَإِن كَانَ قَمِيصُهُۥ قُدَّ مِن دُبُرٍۢ فَكَذَبَتْ وَهُوَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ

But if his shirt is torn from the back, then she has lied, and he is of the truthful."

Kung nangyaring ang kamisa niya ay nawarat mula sa likuran niyon, iyon ay isang kaugnay na patunay sa katapatan niya dahil ito noon ay nagtatangkang mang-akit sa kanya at siya naman ay tumatakas palayo rito, kaya ito ay sinungaling."

28

فَلَمَّا رَءَا قَمِيصَهُۥ قُدَّ مِن دُبُرٍۢ قَالَ إِنَّهُۥ مِن كَيْدِكُنَّ ۖ إِنَّ كَيْدَكُنَّ عَظِيمٌۭ

So when her husband saw his shirt torn from the back, he said, "Indeed, it is of the women's plan. Indeed, your plan is great.

Kaya noong nakasaksi ang Makapangyarihan na ang kamisa ni Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay nawarat mula sa likuran nito, nagpatotoo ito sa katapatan ni Jose at nagsabi iyon: "Tunay na ang paninirang-puring ito na ipinanirang-puri mo sa kanya ay bahagi ng kabuuan ng pakana ninyo, O katipunan ng mga babae; tunay na ang panlalansi ninyo [na mga babae] ay panlalansing malakas.

29

يُوسُفُ أَعْرِضْ عَنْ هَٰذَا ۚ وَٱسْتَغْفِرِى لِذَنۢبِكِ ۖ إِنَّكِ كُنتِ مِنَ ٱلْخَاطِـِٔينَ

Joseph, ignore this. And, [my wife], ask forgiveness for your sin. Indeed, you were of the sinful."

Nagsabi siya kay Jose: "O Jose, magwalang-bahala ka tungkol sa usaping ito at huwag kang bumanggit nito sa isa man. [Maybahay,] humiling ka ng kapatawaran sa kasalanan mo! Tunay na ikaw ay kabilang sa mga nagkakasala dahilan sa pagtatangkang mang-akit kay Jose palayo sa sarili niya."

30

۞ وَقَالَ نِسْوَةٌۭ فِى ٱلْمَدِينَةِ ٱمْرَأَتُ ٱلْعَزِيزِ تُرَٰوِدُ فَتَىٰهَا عَن نَّفْسِهِۦ ۖ قَدْ شَغَفَهَا حُبًّا ۖ إِنَّا لَنَرَىٰهَا فِى ضَلَٰلٍۢ مُّبِينٍۢ

And women in the city said, "The wife of al-'Azeez is seeking to seduce her slave boy; he has impassioned her with love. Indeed, we see her [to be] in clear error."

Lumaganap ang ulat hinggil sa kanya sa lungsod at may nagsabing isang pangkatin ng mga babae bilang pagmamasama: "Ang maybahay ng Makapangyarihan ay nag-anyaya ng alipin niya para sa sarili niya. Umabot ang pag-ibig doon sa pagkahumaling ng puso niya. Tunay na kami ay talagang nagtuturing sa kanya – dahilan sa pagtatangka niyang mang-akit doon at sa pag-ibig niya roon gayong iyon ay alipin niya – na nasa isang pagkaligaw na maliwanag."

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.