Muslim99Muslim99
← Tafsir library

12. Yusuf

Joseph · Meccan · 111 ayahs

سُورَةُ يُوسُفَ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 11–20 of 111

11

قَالُوا۟ يَٰٓأَبَانَا مَا لَكَ لَا تَأْمَ۫نَّا عَلَىٰ يُوسُفَ وَإِنَّا لَهُۥ لَنَٰصِحُونَ

They said, "O our father, why do you not entrust us with Joseph while indeed, we are to him sincere counselors?

Noong nagkaisa sila sa pagpapalayo sa kanya ay nagsabi sila sa ama nilang si Jacob: "O ama namin, ano ang mayroon sa iyo? Hindi mo kami ginagawa bilang mga katiwala kay Jose? Tunay na kami ay talagang mga nagmamalasakit para sa kanya. Aalagaan namin siya laban sa pipinsala sa kanya. Kami ay mga tagapayo sa kanya sa pag-iingat sa kanya at pag-aalaga sa kanya hanggang sa umuwi siya sa iyo nang ligtas. Kaya ano ang pumipigil sa iyo sa pagpapadala sa kanya kasama sa amin?

12

أَرْسِلْهُ مَعَنَا غَدًۭا يَرْتَعْ وَيَلْعَبْ وَإِنَّا لَهُۥ لَحَٰفِظُونَ

Send him with us tomorrow that he may eat well and play. And indeed, we will be his guardians.

Magpahintulot ka sa amin, dadalhin namin siya kasama sa amin bukas. Magtatamasa siya ng pagkain at magsasaya siya. Tunay na kami para sa kanya ay talagang mga tagapag-ingat laban sa bawat nakasasakit na dadapo sa kanya."

13

قَالَ إِنِّى لَيَحْزُنُنِىٓ أَن تَذْهَبُوا۟ بِهِۦ وَأَخَافُ أَن يَأْكُلَهُ ٱلذِّئْبُ وَأَنتُمْ عَنْهُ غَٰفِلُونَ

[Jacob] said, "Indeed, it saddens me that you should take him, and I fear that a wolf would eat him while you are of him unaware."

Nagsabi si Jacob sa mga anak niya: "Tunay na ako ay talagang nalulungkot sa pag-alis ninyo kasama niya dahil ako ay hindi makatiis sa pagkahiwalay sa kanya at nangangamba para sa kanya na kainin siya ng lobo habang kayo ay mga nalilibang malayo sa kanya sa pagpapasasa at paglalaro."

14

قَالُوا۟ لَئِنْ أَكَلَهُ ٱلذِّئْبُ وَنَحْنُ عُصْبَةٌ إِنَّآ إِذًۭا لَّخَٰسِرُونَ

They said, "If a wolf should eat him while we are a [strong] clan, indeed, we would then be losers."

Nagsabi sila sa ama nila: "Talagang kung kinain ng lobo si Jose samantalang kami ay isang pangkat, tunay na kami sa kalagayang ito ay walang kabutihan sa amin sapagkat kami ay mga talunan yayamang hindi namin siya naipagtanggol sa lobo."

15

فَلَمَّا ذَهَبُوا۟ بِهِۦ وَأَجْمَعُوٓا۟ أَن يَجْعَلُوهُ فِى غَيَٰبَتِ ٱلْجُبِّ ۚ وَأَوْحَيْنَآ إِلَيْهِ لَتُنَبِّئَنَّهُم بِأَمْرِهِمْ هَٰذَا وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ

So when they took him [out] and agreed to put him into the bottom of the well... But We inspired to him, "You will surely inform them [someday] about this affair of theirs while they do not perceive [your identity]."

Kaya ipinadala siya ni Jacob kasama sa kanila. Kaya noong nakaalis sila kasama niya at nagpasya sila na itapon siya sa ilalim ng balon, nagkasi Kami kay Jose sa kalagayang ito: "Talagang magpapabatid ka nga sa kanila hinggil sa pinaggagawa nilang ito samantalang sila ay hindi nakararamdam sa iyo sa sandali ng pagpapabatid mo sa kanila."

16

وَجَآءُوٓ أَبَاهُمْ عِشَآءًۭ يَبْكُونَ

And they came to their father at night, weeping.

Dumating ang mga kapatid ni Jose sa ama nila sa oras ng gabi na nag-iiyak-iyakan bilang pagsusulong sa panlalansi nila.

17

قَالُوا۟ يَٰٓأَبَانَآ إِنَّا ذَهَبْنَا نَسْتَبِقُ وَتَرَكْنَا يُوسُفَ عِندَ مَتَٰعِنَا فَأَكَلَهُ ٱلذِّئْبُ ۖ وَمَآ أَنتَ بِمُؤْمِنٍۢ لَّنَا وَلَوْ كُنَّا صَٰدِقِينَ

They said, "O our father, indeed we went racing each other and left Joseph with our possessions, and a wolf ate him. But you would not believe us, even if we were truthful."

Nagsabi sila: "O ama namin, tunay na kami ay umalis, na nag-uunahan sa pagtakbo at nagbabatuhan ng mga sibat. Iniwan namin si Jose sa tabi ng mga kasuutan namin at mga baon namin upang magbantay sa mga ito, saka kinain siya ng lobo. Ikaw ay hindi maniniwala sa amin kahit pa kami sa tunay na pangyayari ay mga tapat sa ipinabatid namin sa iyo."

18

وَجَآءُو عَلَىٰ قَمِيصِهِۦ بِدَمٍۢ كَذِبٍۢ ۚ قَالَ بَلْ سَوَّلَتْ لَكُمْ أَنفُسُكُمْ أَمْرًۭا ۖ فَصَبْرٌۭ جَمِيلٌۭ ۖ وَٱللَّهُ ٱلْمُسْتَعَانُ عَلَىٰ مَا تَصِفُونَ

And they brought upon his shirt false blood. [Jacob] said, "Rather, your souls have enticed you to something, so patience is most fitting. And Allah is the one sought for help against that which you describe."

Nagbigay-diin sila sa ulat nila sa pamamagitan ng isang panggugulang sapagkat naghatid sila ng kamisa ni Jose na nabahiran ng dugo na hindi dugo niya, habang mga nagpapaakala na ito ay bakas ng pagkakain ng lobo sa kanya. Ngunit nakatalos si Jacob – sa pamamagitan ng isang pahiwatig na ang damit ay hindi nagkapunit-punit – sa kasinungalingan nila, kaya nagsabi siya sa kanila: "Ang nangyari ay hindi gaya ng ipinabatid ninyo, bagkus nang-akit sa inyo ang mga sarili ninyo sa isang masagwang bagay na ginawa ninyo. Kaya ang nauukol sa akin ay isang pagtitiis na marilag, na walang panghihinawa rito. Si Allāh ay ang hinihilingan ng tulong laban sa binabanggit ninyo na nangyari kay Jose."

19

وَجَآءَتْ سَيَّارَةٌۭ فَأَرْسَلُوا۟ وَارِدَهُمْ فَأَدْلَىٰ دَلْوَهُۥ ۖ قَالَ يَٰبُشْرَىٰ هَٰذَا غُلَٰمٌۭ ۚ وَأَسَرُّوهُ بِضَٰعَةًۭ ۚ وَٱللَّهُ عَلِيمٌۢ بِمَا يَعْمَلُونَ

And there came a company of travelers; then they sent their water drawer, and he let down his bucket. He said, "Good news! Here is a boy." And they concealed him, [taking him] as merchandise; and Allah was knowing of what they did.

May dumating na isang karabang napararaan; saka nagpadala sila ng umiigib sa kanila ng tubig kaya naglugay ito ng timba nito sa balon. Kaya lumambitin si Jose sa lubid. Kaya noong nakakita sa kanya ang naglugay niyon ay nagsabi ito na nagagalak: "O balitang nakagagalak sa akin! Ito ay isang batang lalaki." Ikinubli siya ng tagaigib nila at ng ilan sa mga kasamahan nito sa nalalabi sa karaban, habang mga nag-aangkin na siya ay isang paninda na maititinda nila. Si Allāh ay Maalam sa ginagawa nila kay Jose na kawalang-dangal at pagbebenta: walang nakakukubli sa Kanya mula sa gawa nila na anuman.

20

وَشَرَوْهُ بِثَمَنٍۭ بَخْسٍۢ دَرَٰهِمَ مَعْدُودَةٍۢ وَكَانُوا۟ فِيهِ مِنَ ٱلزَّٰهِدِينَ

And they sold him for a reduced price - a few dirhams - and they were, concerning him, of those content with little.

Ibinenta siya ng tagaigib at ng mga kasamahan nito sa Ehipto sa halagang katiting sapagkat ito ay mga dirham na madaling bilangin dahil sa kakauntian ng mga ito. Sila ay kabilang sa mga nagwawalang-halaga sa kanya dahil sa sigasig nila sa paghahangad nila sa pagwawaksi sa kanya nang mabilisan sapagkat nalaman nga nila mula sa kalagayan niya na siya ay hindi isang alipin. Nangamba sila para sa mga sarili nila mula sa mag-anak niya. Ito ay bahagi ng kalubusan ng awa ni Allāh sa kanya upang hindi siya manatili kasama sa kanila nang matagal.

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.