Muslim99Muslim99
← Tafsir library

12. Yusuf

Joseph · Meccan · 111 ayahs

سُورَةُ يُوسُفَ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 101–110 of 111

101

۞ رَبِّ قَدْ ءَاتَيْتَنِى مِنَ ٱلْمُلْكِ وَعَلَّمْتَنِى مِن تَأْوِيلِ ٱلْأَحَادِيثِ ۚ فَاطِرَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ أَنتَ وَلِىِّۦ فِى ٱلدُّنْيَا وَٱلْءَاخِرَةِ ۖ تَوَفَّنِى مُسْلِمًۭا وَأَلْحِقْنِى بِٱلصَّٰلِحِينَ

My Lord, You have given me [something] of sovereignty and taught me of the interpretation of dreams. Creator of the heavens and earth, You are my protector in this world and in the Hereafter. Cause me to die a Muslim and join me with the righteous."

Pagkatapos dumalangin si Jose sa Panginoon niya saka nagsabi: "O Panginoon ko, nagbigay Ka nga sa akin ng paghahari sa Ehipto at nagturo Ka sa akin ng pagpapahayag ng mga panaginip. O Tagalikha ng mga langit at lupa at Tagapagpasimula ng mga ito nang walang naunang pagkakatulad, Ikaw ay ang tumatangkilik sa lahat ng mga nauukol sa akin sa buhay na pangmundo at ang tumatangkilik sa lahat ng mga ito sa Kabilang-buhay. Kunin Mo ako sa sandali ng pagwawakas ng taning ko bilang Muslim at isama Mo ako sa mga propetang maayos kabilang sa mga ninuno ko at iba pa sa kanila sa Kataas-taasang Firdaws ng Paraiso."

102

ذَٰلِكَ مِنْ أَنۢبَآءِ ٱلْغَيْبِ نُوحِيهِ إِلَيْكَ ۖ وَمَا كُنتَ لَدَيْهِمْ إِذْ أَجْمَعُوٓا۟ أَمْرَهُمْ وَهُمْ يَمْكُرُونَ

That is from the news of the unseen which We reveal, [O Muhammad], to you. And you were not with them when they put together their plan while they conspired.

Ang nabanggit na iyon mula sa kasaysayan ni Jose at ng mga kapatid niya ay ikinakasi Namin sa iyo, O Sugo. Hindi ka nagkaroon ng kaalaman doon yayamang hindi ka noon naroon sa piling ng mga kapatid ni Jose nang nagpasya sila ng pagtapon sa kanya sa kailaliman ng balon at nagpakana sila ng ipinakana nilang panlalalang, subalit Kami ay nagkasi sa iyo niyon.

103

وَمَآ أَكْثَرُ ٱلنَّاسِ وَلَوْ حَرَصْتَ بِمُؤْمِنِينَ

And most of the people, although you strive [for it], are not believers.

Ang higit na marami sa mga tao ay hindi mga mananampalataya, kahit pa man nagkaloob ka, O Sugo, ng buong pagsisikap upang sumampalataya sila. Kaya huwag masawi ang sarili mo para sa kanila dahil sa mga panghihinayang.

104

وَمَا تَسْـَٔلُهُمْ عَلَيْهِ مِنْ أَجْرٍ ۚ إِنْ هُوَ إِلَّا ذِكْرٌۭ لِّلْعَٰلَمِينَ

And you do not ask of them for it any payment. It is not except a reminder to the worlds.

Kung sakaling nakapag-unawa sila ay talaga sanang sumampalataya sila sa iyo dahil ikaw ay hindi humiling mula sa kanila ng gantimpala, O Sugo, dahil sa Qur'ān ni dahil sa nag-aanyaya ka sa kanila sapagkat walang iba ang Qur'ān kundi isang pagpapaalaala para sa lahat ng mga tao.

105

وَكَأَيِّن مِّنْ ءَايَةٍۢ فِى ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ يَمُرُّونَ عَلَيْهَا وَهُمْ عَنْهَا مُعْرِضُونَ

And how many a sign within the heavens and earth do they pass over while they, therefrom, are turning away.

Marami ang mga tandang nagpapatunay sa kaisahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya – na nakakalat sa mga langit at sa lupa, na dumaraan sila sa mga iyon samantalang sila sa pagmumuni-muni sa mga iyon ay mga tagaayaw, na hindi pumapansin sa mga iyon.

106

وَمَا يُؤْمِنُ أَكْثَرُهُم بِٱللَّهِ إِلَّا وَهُم مُّشْرِكُونَ

And most of them believe not in Allah except while they associate others with Him.

Hindi sumasampalataya ang higit na marami sa mga tao kay Allāh na Siya ay ang Tagalikha, ang Palatustos, ang Tagapagbigay-buhay, ang Tagapagbigay-kamatayan malibang habang sila ay sumasamba kasama sa Kanya ng iba pa sa Kanya gaya ng mga anito at mga diyus-diyusan, at nag-aangkin na mayroon Siyang anak – kaluwalhatian sa Kanya.

107

أَفَأَمِنُوٓا۟ أَن تَأْتِيَهُمْ غَٰشِيَةٌۭ مِّنْ عَذَابِ ٱللَّهِ أَوْ تَأْتِيَهُمُ ٱلسَّاعَةُ بَغْتَةًۭ وَهُمْ لَا يَشْعُرُونَ

Then do they feel secure that there will not come to them an overwhelming [aspect] of the punishment of Allah or that the Hour will not come upon them suddenly while they do not perceive?

Kaya natiwasay ba ang mga tagapagtambal na ito na pumunta sa kanila ang isang kaparusahan sa Mundo na maglulubog sa kanila at lulukob sa kanila, na hindi nila nakakakayang itulak iyon, o na pumunta sa kanila ang Huling Sandali nang biglaan samantalang sila ay hindi nakadarama sa pagpunta nito para makapaghanda sila para rito, kaya dahil doon hindi sila sumampalataya?

108

قُلْ هَٰذِهِۦ سَبِيلِىٓ أَدْعُوٓا۟ إِلَى ٱللَّهِ ۚ عَلَىٰ بَصِيرَةٍ أَنَا۠ وَمَنِ ٱتَّبَعَنِى ۖ وَسُبْحَٰنَ ٱللَّهِ وَمَآ أَنَا۠ مِنَ ٱلْمُشْرِكِينَ

Say, "This is my way; I invite to Allah with insight, I and those who follow me. And exalted is Allah; and I am not of those who associate others with Him."

Sabihin mo, O Sugo, sa sinumang inaanyayahan mo: "Ito ay daan ko na nag-aanyaya ako sa mga tao tungo rito. Ayon sa katwirang maliwanag, nag-aanyaya tungo roon ako at nag-aanyaya tungo roon ang sinumang sumunod sa akin, napatnubayan sa patnubay ko, at nagsabuhay sa kalakaran ko. Kaluwalhatian kay Allāh higit sa anumang iniugnay sa Kanya kabilang sa anumang hindi nababagay sa kapitaganan sa Kanya o sumasalungat sa kalubusan Niya. Hindi ako kabilang sa mga tagapagtambal kay Allāh, bagkus ako ay kabilang sa mga naniniwala sa kaisahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya."

109

وَمَآ أَرْسَلْنَا مِن قَبْلِكَ إِلَّا رِجَالًۭا نُّوحِىٓ إِلَيْهِم مِّنْ أَهْلِ ٱلْقُرَىٰٓ ۗ أَفَلَمْ يَسِيرُوا۟ فِى ٱلْأَرْضِ فَيَنظُرُوا۟ كَيْفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ ۗ وَلَدَارُ ٱلْءَاخِرَةِ خَيْرٌۭ لِّلَّذِينَ ٱتَّقَوْا۟ ۗ أَفَلَا تَعْقِلُونَ

And We sent not before you [as messengers] except men to whom We revealed from among the people of cities. So have they not traveled through the earth and observed how was the end of those before them? And the home of the Hereafter is best for those who fear Allah; then will you not reason?

Hindi Kami nagpadala bago mo pa, O Sugo, kundi ng mga lalaki kabilang sa mga tao, hindi mga anghel. Nagkakasi Kami sa kanila kung paanong nagkakasi Kami sa iyo, kabilang sa mga naninirahan sa mga lungsod, hindi kabilang sa mga naninirahan sa mga ilang. Ngunit nagpasinungaling sa kanila ang mga kalipunan nila kaya nagpahamak Kami sa mga iyon. Kaya hindi ba naglakbay ang mga tagapagpasinungaling na ito sa iyo sa lupa para magmuni-muni sila kung papaano ang naging wakas ng mga tagapagpasinungaling kabilang sa nauna pa sa kanila para magsaalang-alang sila sa mga iyon? Ang anumang nasa tahanan sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga nangilag magkasala kay Allāh sa Mundo. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa na iyon ay higit na mabuti para mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya, na ang pinakamabigat sa mga ito ay ang pananampalataya, at ng pag-iwas sa mga sinasaway Niya, na ang pinakamalaki sa mga ito ay ang pagtatambal kay Allāh?

110

حَتَّىٰٓ إِذَا ٱسْتَيْـَٔسَ ٱلرُّسُلُ وَظَنُّوٓا۟ أَنَّهُمْ قَدْ كُذِبُوا۟ جَآءَهُمْ نَصْرُنَا فَنُجِّىَ مَن نَّشَآءُ ۖ وَلَا يُرَدُّ بَأْسُنَا عَنِ ٱلْقَوْمِ ٱلْمُجْرِمِينَ

[They continued] until, when the messengers despaired and were certain that they had been denied, there came to them Our victory, and whoever We willed was saved. And Our punishment cannot be repelled from the people who are criminals.

Ang mga sugong ito na isinusugo Namin ay nagpalugit Kami sa mga kaaway nila at hindi Kami nagmamadali sa mga iyon ng kaparusahan bilang pagpapain sa mga iyon. Hanggang sa nang naantala ang pagpapahamak sa mga iyon, nawalan ng pag-asa ang mga sugo sa kapahamakan ng mga iyon, at nakatiyak ang mga tagatangging sumampalataya na ang mga sugo nila ay nagsinungaling sa kanila sa ipinangako ng mga ito sa kanila na parusa para sa mga tagapagpasinungaling at pagliligtas sa mga mananampalataya, dumating naman ang pag-aadya Namin para sa mga sugo Namin. Nailigtas ang mga sugo at ang mga mananampalataya mula sa kapahamakan na magaganap sa mga tagapagpasinungaling. Hindi napipigil ang pagpaparusa Namin sa mga taong salarin kapag magbababa Kami nito sa kanila.

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.