Muslim99Muslim99
← Tafsir library

12. Yusuf

Joseph · Meccan · 111 ayahs

سُورَةُ يُوسُفَ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 1–10 of 111

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

1

الٓر ۚ تِلْكَ ءَايَٰتُ ٱلْكِتَٰبِ ٱلْمُبِينِ

Alif, Lam, Ra. These are the verses of the clear Book.

Alif. Lām. Rā'. Nauna na ang pagtatalakay sa mga ito at sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah. Ang mga talatang ito na pinababa sa kabanatang ito ay bahagi ng mga talata ng Qur'ān na maliwanag sa anumang nilaman nito.

2

إِنَّآ أَنزَلْنَٰهُ قُرْءَٰنًا عَرَبِيًّۭا لَّعَلَّكُمْ تَعْقِلُونَ

Indeed, We have sent it down as an Arabic Qur'an that you might understand.

Tunay na Kami ay nagpababa ng Qur’an sa wika ng mga Arabe, nang sa gayon kayo, O mga Arabe, ay makaiintindi sa mga kahulugan nito.

3

نَحْنُ نَقُصُّ عَلَيْكَ أَحْسَنَ ٱلْقَصَصِ بِمَآ أَوْحَيْنَآ إِلَيْكَ هَٰذَا ٱلْقُرْءَانَ وَإِن كُنتَ مِن قَبْلِهِۦ لَمِنَ ٱلْغَٰفِلِينَ

We relate to you, [O Muhammad], the best of stories in what We have revealed to you of this Qur'an although you were, before it, among the unaware.

Kami ay nagsasalaysay sa iyo, O Sugo, ng pinakamaganda sa mga salaysay dahil sa katapatan nito, kawastuhan ng mga pananalita nito, at retorika nito sa pamamagitan ng pagpapababa Namin sa iyo ng Qur’ān na ito. Tunay na ikaw dati bago pa ng pagpapababa nito ay kabilang sa mga nalilingat sa mga salaysay na ito: walang kaalaman sa iyo rito.

4

إِذْ قَالَ يُوسُفُ لِأَبِيهِ يَٰٓأَبَتِ إِنِّى رَأَيْتُ أَحَدَ عَشَرَ كَوْكَبًۭا وَٱلشَّمْسَ وَٱلْقَمَرَ رَأَيْتُهُمْ لِى سَٰجِدِينَ

[Of these stories mention] when Joseph said to his father, "O my father, indeed I have seen [in a dream] eleven stars and the sun and the moon; I saw them prostrating to me."

Nagpapabatid Kami sa iyo, O Sugo, nang nagsabi si Jose sa ama niyang si Jacob: "O ama ko, tunay na ako ay nakakita sa panaginip ng labing-isang tala. Nakita ko ang araw at ang buwan; nakita ko ang lahat ng iyon na sa harap ko ay mga nakapatirapa." Ang panaginip na ito ay isang maagang balitang nakagagalak para kay Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.

5

قَالَ يَٰبُنَىَّ لَا تَقْصُصْ رُءْيَاكَ عَلَىٰٓ إِخْوَتِكَ فَيَكِيدُوا۟ لَكَ كَيْدًا ۖ إِنَّ ٱلشَّيْطَٰنَ لِلْإِنسَٰنِ عَدُوٌّۭ مُّبِينٌۭ

He said, "O my son, do not relate your vision to your brothers or they will contrive against you a plan. Indeed Satan, to man, is a manifest enemy.

Nagsabi si Jacob sa anak nitong si Jose: "O anak ko, huwag kang bumanggit ng panaginip mo sa mga kapatid mo para hindi sila makaintindi nito at hindi sila mainggit sa iyo para hindi sila magpakana sa iyo ng isang pakana dala ng isang pagkainggit mula sa kanila. Tunay na ang demonyo para sa tao ay isang kaaway na maliwanag ang pangangaway."

6

وَكَذَٰلِكَ يَجْتَبِيكَ رَبُّكَ وَيُعَلِّمُكَ مِن تَأْوِيلِ ٱلْأَحَادِيثِ وَيُتِمُّ نِعْمَتَهُۥ عَلَيْكَ وَعَلَىٰٓ ءَالِ يَعْقُوبَ كَمَآ أَتَمَّهَا عَلَىٰٓ أَبَوَيْكَ مِن قَبْلُ إِبْرَٰهِيمَ وَإِسْحَٰقَ ۚ إِنَّ رَبَّكَ عَلِيمٌ حَكِيمٌۭ

And thus will your Lord choose you and teach you the interpretation of narratives and complete His favor upon you and upon the family of Jacob, as He completed it upon your fathers before, Abraham and Isaac. Indeed, your Lord is Knowing and Wise."

Gaya ng pagkakita mo sa panaginip na iyon, pipiliin ka, O Jose, ng Panginoon mo, ituturo Niya sa iyo ang paghahayag sa mga panaginip, at lulubusin Niya ang biyaya Niya sa iyo sa pamamagitan ng pagkapropeta gaya ng paglubos Niya sa biyaya Niya sa dalawang ninuno mo, bago mo pa, na sina Abraham at Isaac. Tunay na ang Panginoon mo ay Maalam sa paglikha Niya, Marunong sa pangangasiwa Niya.

7

۞ لَّقَدْ كَانَ فِى يُوسُفَ وَإِخْوَتِهِۦٓ ءَايَٰتٌۭ لِّلسَّآئِلِينَ

Certainly were there in Joseph and his brothers signs for those who ask,

Talaga ngang hinggil sa ulat kay Jose at sa ulat sa mga kapatid niya ay may mga maisasaalang-alang at mga pangaral para sa mga nagtatanong tungkol sa mga ulat sa kanila.

8

إِذْ قَالُوا۟ لَيُوسُفُ وَأَخُوهُ أَحَبُّ إِلَىٰٓ أَبِينَا مِنَّا وَنَحْنُ عُصْبَةٌ إِنَّ أَبَانَا لَفِى ضَلَٰلٍۢ مُّبِينٍ

When they said, "Joseph and his brother are more beloved to our father than we, while we are a clan. Indeed, our father is in clear error.

Nang nagsabi ang mga kapatid nila sa gitna nila: "Talagang si Jose at ang kapatid niyang buo ay higit na kaibig-ibig sa ama natin kaysa sa atin samantalang tayo ay isang pangkat na may bilang, kaya papaanong nagtangi siya sa dalawa higit sa atin? Tunay na tayo ay talagang makapagtuturing sa kanya na nasa isang pagkakamaling malinaw nang nagtangi siya sa dalawa higit sa atin nang walang kadahilanang lumilitaw sa atin.

9

ٱقْتُلُوا۟ يُوسُفَ أَوِ ٱطْرَحُوهُ أَرْضًۭا يَخْلُ لَكُمْ وَجْهُ أَبِيكُمْ وَتَكُونُوا۟ مِنۢ بَعْدِهِۦ قَوْمًۭا صَٰلِحِينَ

Kill Joseph or cast him out to [another] land; the countenance of your father will [then] be only for you, and you will be after that a righteous people."

Patayin ninyo si Jose o paglahuin ninyo siya sa isang malayong lupain, matatangi para sa inyo ang mukha ng ama ninyo para umibig siya sa inyo nang buong pag-ibig at kayo, matapos na maglalakas-loob kayo laban sa kanya ng pagpatay sa kanya o pagpapalaho sa kanya, ay magiging mga taong maayos kapag magbabalik-loob kayo mula sa pagkakasala ninyo."

10

قَالَ قَآئِلٌۭ مِّنْهُمْ لَا تَقْتُلُوا۟ يُوسُفَ وَأَلْقُوهُ فِى غَيَٰبَتِ ٱلْجُبِّ يَلْتَقِطْهُ بَعْضُ ٱلسَّيَّارَةِ إِن كُنتُمْ فَٰعِلِينَ

Said a speaker among them, "Do not kill Joseph but throw him into the bottom of the well; some travelers will pick him up - if you would do [something]."

Nagsabi ang isa sa magkakapatid: "Huwag ninyong patayin si Jose; subalit itapon ninyo siya sa kailaliman ng balon, kukunin siya ng ilan sa mga manlalakbay na daraan sa kanya. Ito ay higit na magaan na pinsala kaysa sa pagpatay sa kanya, kung kayo ay mga desidido sa sinabi ninyo kaugnay sa kanya."

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.