Muslim99Muslim99
← Tafsir library

10. Yunus

Jonas · Meccan · 109 ayahs

سُورَةُ يُونُسَ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 71–80 of 109

71

۞ وَٱتْلُ عَلَيْهِمْ نَبَأَ نُوحٍ إِذْ قَالَ لِقَوْمِهِۦ يَٰقَوْمِ إِن كَانَ كَبُرَ عَلَيْكُم مَّقَامِى وَتَذْكِيرِى بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ فَعَلَى ٱللَّهِ تَوَكَّلْتُ فَأَجْمِعُوٓا۟ أَمْرَكُمْ وَشُرَكَآءَكُمْ ثُمَّ لَا يَكُنْ أَمْرُكُمْ عَلَيْكُمْ غُمَّةًۭ ثُمَّ ٱقْضُوٓا۟ إِلَىَّ وَلَا تُنظِرُونِ

And recite to them the news of Noah, when he said to his people, "O my people, if my residence and my reminding of the signs of Allah has become burdensome upon you - then I have relied upon Allah. So resolve upon your plan and [call upon] your associates. Then let not your plan be obscure to you. Then carry it out upon me and do not give me respite.

Magsalaysay ka, O Sugo, sa mga tagapagtambal na nagpapasinungaling na ito ng ulat kay Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – nang nagsabi siya sa mga tao niya: "O mga tao ko, kung bumigat sa inyo ang pananatili ko sa gitna ninyo, humirap sa inyo ang pagpapaalaala ko sa mga tanda ni Allāh at ang pangangaral ko, at nagpasya kayo sa pagpatay sa akin ay kay Allāh naman ako sumasandig sa pagbigo sa anumang ipinapakana ninyo laban sa akin. Kaya humatol kayo ng balak ninyo, magpasya kayo sa pagpapahamak sa akin, at dumalangin kayo sa mga diyos ninyo upang magpatulong kayo sa mga ito. Pagkatapos ang pakana ninyo ay huwag maging lihim na malabo. Pagkatapos matapos ng pagpapanukala ninyo ng pagpatay sa akin ay magpatupad kayo sa akin ng kinikimkim ninyo at huwag kayong magpaliban sa akin ng isang saglit.

72

فَإِن تَوَلَّيْتُمْ فَمَا سَأَلْتُكُم مِّنْ أَجْرٍ ۖ إِنْ أَجْرِىَ إِلَّا عَلَى ٱللَّهِ ۖ وَأُمِرْتُ أَنْ أَكُونَ مِنَ ٱلْمُسْلِمِينَ

And if you turn away [from my advice] then no payment have I asked of you. My reward is only from Allah, and I have been commanded to be of the Muslims."

Ngunit kung nangyaring kayo ay umayaw nga sa paanyaya ko, nalaman na ninyo na ako ay hindi humiling mula sa inyo ng isang ganti dahil sa pagpapaabot sa inyo ng pasugo ng Panginoon ko. Walang gantimpala sa akin kundi nasa kay Allāh, sumampalataya man kayo sa akin o tumanggi kayong sumampalataya. Nag-utos sa akin si Allāh na ako ay maging kabilang sa mga nagpapaakay sa Kanya sa pagtalima at gawang maayos."

73

فَكَذَّبُوهُ فَنَجَّيْنَٰهُ وَمَن مَّعَهُۥ فِى ٱلْفُلْكِ وَجَعَلْنَٰهُمْ خَلَٰٓئِفَ وَأَغْرَقْنَا ٱلَّذِينَ كَذَّبُوا۟ بِـَٔايَٰتِنَا ۖ فَٱنظُرْ كَيْفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلْمُنذَرِينَ

And they denied him, so We saved him and those with him in the ship and made them successors, and We drowned those who denied Our signs. Then see how was the end of those who were warned.

Ngunit nagpasinungaling sa kanya ang mga tao niya at hindi sila naniwala sa kanya kaya nagligtas Kami sa kanya at sa sinumang kasama sa kanya kabilang sa mga mananampalataya sa arko. Gumawa Kami sa kanila bilang kahalili para sa nauna sa kanila. Nagpahamak Kami sa mga nagpasinungaling sa inihatid niya na mga tanda at mga katwiran sa pamamagitan ng gunaw. Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung papaano naging ang wakas ng lagay ng mga taong binalaan ni Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ngunit hindi sumampalataya.

74

ثُمَّ بَعَثْنَا مِنۢ بَعْدِهِۦ رُسُلًا إِلَىٰ قَوْمِهِمْ فَجَآءُوهُم بِٱلْبَيِّنَٰتِ فَمَا كَانُوا۟ لِيُؤْمِنُوا۟ بِمَا كَذَّبُوا۟ بِهِۦ مِن قَبْلُ ۚ كَذَٰلِكَ نَطْبَعُ عَلَىٰ قُلُوبِ ٱلْمُعْتَدِينَ

Then We sent after him messengers to their peoples, and they came to them with clear proofs. But they were not to believe in that which they had denied before. Thus We seal over the hearts of the transgressors

Pagkatapos, matapos ng isang yugto ng panahon ay nagpadala Kami, nang matapos ni Noe, ng mga sugo sa mga tao nila. Kaya naghatid ang mga sugo sa mga kalipunan nila ng mga tanda at mga patotoo. Ngunit hindi nagkaroon ang mga iyon ng pagnanais na sumampalataya dahilan sa naunang pagpupumilit ng mga iyon sa pagpapasinungaling sa mga sugo, kaya nagsara si Allāh sa mga puso ng mga ito. Tulad ng pagsasarang ito na isinara Niya sa mga puso ng mga tagasunod ng mga sugong nagdaan, magsasara Siya nito sa mga puso ng mga tagatangging sumampalataya, na mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya sa bawat panahon at pook.

75

ثُمَّ بَعَثْنَا مِنۢ بَعْدِهِم مُّوسَىٰ وَهَٰرُونَ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَإِي۟هِۦ بِـَٔايَٰتِنَا فَٱسْتَكْبَرُوا۟ وَكَانُوا۟ قَوْمًۭا مُّجْرِمِينَ

Then We sent after them Moses and Aaron to Pharaoh and his establishment with Our signs, but they behaved arrogantly and were a criminal people

Pagkatapos, matapos ng isang yugto ng panahon ay nagpadala Kami, nang matapos ng mga sugong ito, kay Moises at sa kapatid niyang si Aaron kina Paraon, ang hari ng Ehipto, at sa mga malaking tao kabilang sa mga tao nito. Nagpadala Kami sa kanilang dalawa kalakip ng mga tandang nagpapatunay sa katapatan nilang dalawa ngunit nagpakamalaki sila sa pagsampalataya sa inihatid nilang dalawa. Sila ay naging mga taong salarin dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling nila sa mga sugo Niya.

76

فَلَمَّا جَآءَهُمُ ٱلْحَقُّ مِنْ عِندِنَا قَالُوٓا۟ إِنَّ هَٰذَا لَسِحْرٌۭ مُّبِينٌۭ

So when there came to them the truth from Us, they said, "Indeed, this is obvious magic."

Kaya noong dumating kina Paraon at mga malaking tao kabilang sa mga tao nito ang Relihiyon na inihatid nina Moises at Aaron – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – ay nagsabi sila tungkol sa mga tanda Niyang nagpapatunay sa katapatan ng inihatid ni Moises: "Tunay na ito ay talagang isang panggagaway na maliwanag at hindi katotohanan."

77

قَالَ مُوسَىٰٓ أَتَقُولُونَ لِلْحَقِّ لَمَّا جَآءَكُمْ ۖ أَسِحْرٌ هَٰذَا وَلَا يُفْلِحُ ٱلسَّٰحِرُونَ

Moses said, "Do you say [thus] about the truth when it has come to you? Is this magic? But magicians will not succeed."

Nagsabi si Moises habang nagmamasama sa kanila: "Nagsasabi ba kayo sa katotohanan nang dumating ito sa inyo: Ito ay panggagaway? Aba'y hindi; ito ay hindi panggagaway. Tunay na ako ay talagang nakaaalam na ang manggagaway ay hindi magtatagumpay magpakailanman kaya papaanong ukol sa akin ang pagsasagawa nito?"

78

قَالُوٓا۟ أَجِئْتَنَا لِتَلْفِتَنَا عَمَّا وَجَدْنَا عَلَيْهِ ءَابَآءَنَا وَتَكُونَ لَكُمَا ٱلْكِبْرِيَآءُ فِى ٱلْأَرْضِ وَمَا نَحْنُ لَكُمَا بِمُؤْمِنِينَ

They said, "Have you come to us to turn us away from that upon which we found our fathers and so that you two may have grandeur in the land? And we are not believers in you."

Sumagot ang mga tao ni Paraon kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na mga nagsasabi: "Naghatid ka ba sa amin ng panggagaway na ito upang maglihis sa amin palayo sa relihiyong natagpuan namin sa mga ninuno namin at maging ukol sa iyo mismo at ukol sa kapatid mo ang paghahari gayong kami sa inyong dalawa, O Moises at Aaron, ay mga hindi kumikilala na kayong dalawa ay mga sugong isinugo sa amin?"

79

وَقَالَ فِرْعَوْنُ ٱئْتُونِى بِكُلِّ سَٰحِرٍ عَلِيمٍۢ

And Pharaoh said, "Bring to me every learned magician."

Nagsabi si Paraon sa mga tao niya: "Maghatid kayo sa akin ng bawat manggagaway na nakababatid sa panggagaway at dalubhasa rito."

80

فَلَمَّا جَآءَ ٱلسَّحَرَةُ قَالَ لَهُم مُّوسَىٰٓ أَلْقُوا۟ مَآ أَنتُم مُّلْقُونَ

So when the magicians came, Moses said to them, "Throw down whatever you will throw."

Kaya noong naghatid sila kay Paraon ng mga manggagaway ay nagsabi sa kanila si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – habang nagtitiwala sa pagwawagi niya sa kanila: "Maghagis kayo, O mga manggagaway, ng anumang kayo ay mga maghahagis."

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.