Tunay na ang Panginoon ninyo, O mga nagtataka, ay si Allāh na lumikha ng mga langit, sa kabila ng kadambuhalaan ng mga ito, at ng lupa, sa kabila ng pagkalawak nito, sa anim na araw. Pagkatapos pumaitaas Siya at umangat Siya sa Trono. Kaya papaano kayong nagtataka sa pagsusugo Niya ng isang lalaking kabilang sa lahi ninyo? Siya lamang ay ang nagtatadhana at nagtatakda sa kaharian Niyang malawak. Hindi ukol sa isa na mamagitan sa Kanya sa anuman malibang matapos ng pahintulot Niya at pagkalugod Niya sa tagapamagitan. Ang nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay si Allāh, na Panginoon ninyo, kaya magpakawagas kayo sa Kanya sa pagsamba – tanging sa Kanya. Kaya hindi ba kayo napangangaralan sa pamamagitan ng mga patotoo at mga katwirang ito sa kaisahan Niya? Ang sinumang mayroong pinakamababang pagkapangaral ay nakaalam niyon at sumampalataya sa Kanya.