Muslim99Muslim99
← Tafsir library

10. Yunus

Jonas · Meccan · 109 ayahs

سُورَةُ يُونُسَ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 81–90 of 109

81

فَلَمَّآ أَلْقَوْا۟ قَالَ مُوسَىٰ مَا جِئْتُم بِهِ ٱلسِّحْرُ ۖ إِنَّ ٱللَّهَ سَيُبْطِلُهُۥٓ ۖ إِنَّ ٱللَّهَ لَا يُصْلِحُ عَمَلَ ٱلْمُفْسِدِينَ

And when they had thrown, Moses said, "What you have brought is [only] magic. Indeed, Allah will expose its worthlessness. Indeed, Allah does not amend the work of corrupters.

Kaya noong naghagis sila ng taglay nila na panggagaway ay nagsabi sa kanila si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Ang pinalitaw ninyo ay ang panggagaway. Tunay na si Allāh ay gagawa sa niyari ninyo bilang walang-saysay na walang bisa. Tunay na kayo, dahil sa panggagaway ninyo, ay mga tagatiwali sa lupa. Si Allāh ay hindi nagsasaayos sa gawa ng sinumang naging tagatiwali.

82

وَيُحِقُّ ٱللَّهُ ٱلْحَقَّ بِكَلِمَٰتِهِۦ وَلَوْ كَرِهَ ٱلْمُجْرِمُونَ

And Allah will establish the truth by His words, even if the criminals dislike it."

Nagpapatibay si Allāh sa katotohanan at nagpapatatag Siya nito sa pamamagitan ng mga salita Niyang pang-itinakda at sa pamamagitan ng mga katwiran at mga patotoong nasa mga salita Niyang pambatas, kahit pa man nasuklam doon ang mga salaring tagatangging sumampalataya kabilang sa mga kampon ni Paraon."

83

فَمَآ ءَامَنَ لِمُوسَىٰٓ إِلَّا ذُرِّيَّةٌۭ مِّن قَوْمِهِۦ عَلَىٰ خَوْفٍۢ مِّن فِرْعَوْنَ وَمَلَإِي۟هِمْ أَن يَفْتِنَهُمْ ۚ وَإِنَّ فِرْعَوْنَ لَعَالٍۢ فِى ٱلْأَرْضِ وَإِنَّهُۥ لَمِنَ ٱلْمُسْرِفِينَ

But no one believed Moses, except [some] youths among his people, for fear of Pharaoh and his establishment that they would persecute them. And indeed, Pharaoh was haughty within the land, and indeed, he was of the transgressors

Nagpasya ang mga tao sa pag-ayaw kaya walang nagpatotoo kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa kabila ng inihatid niya na mga tandang hayag at mga katwirang maliwanag maliban sa mga kabataang kabilang sa mga tao niya, na mga anak ni Israel, sa kabila ng pangamba kina Paraon at mga malaking tao kabilang sa mga tao nito na maglihis ang mga ito sa kanila palayo sa pananampalataya nila at magpalasap ang mga ito sa kanila ng pagdurusa kung nabunyag ang kalagayan nila. Tunay na si Paraon ay talagang nagpapakamalaki na nangingibabaw sa Ehipto at mga mamamayan nito. Tunay na siya ay talagang kabilang sa mga lumalampas sa hangganan sa kawalang-pananampalataya, pagpapatay, at pagpapahirap sa mga anak ni Israel.

84

وَقَالَ مُوسَىٰ يَٰقَوْمِ إِن كُنتُمْ ءَامَنتُم بِٱللَّهِ فَعَلَيْهِ تَوَكَّلُوٓا۟ إِن كُنتُم مُّسْلِمِينَ

And Moses said, "O my people, if you have believed in Allah, then rely upon Him, if you should be Muslims."

Nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa mga tao niya: "O mga tao ko, kung nangyaring kayo ay sumampalataya kay Allāh nang pananampalatayang totoo, sa kay Allāh lamang kayo sumandig kung kayo ay naging mga tapagapasakop sapagkat ang pananalig kay Allāh ay nagtutulak palayo sa inyo ng kasagwaan at nagdudulot para sa inyo ng kagandahan."

85

فَقَالُوا۟ عَلَى ٱللَّهِ تَوَكَّلْنَا رَبَّنَا لَا تَجْعَلْنَا فِتْنَةًۭ لِّلْقَوْمِ ٱلظَّٰلِمِينَ

So they said, "Upon Allah do we rely. Our Lord, make us not [objects of] trial for the wrongdoing people

Kaya sumagot sila kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – saka nagsabi: "Kay Allāh lamang nanalig kami. Panginoon namin, huwag Mong pangibabawin sa amin ang mga tagalabag sa katarungan para umusig sila sa amin dahil sa relihiyon namin sa pamamagitan ng pagpapahirap, pagpatay, at panghahalina.

86

وَنَجِّنَا بِرَحْمَتِكَ مِنَ ٱلْقَوْمِ ٱلْكَٰفِرِينَ

And save us by Your mercy from the disbelieving people."

paalpasin Mo kami sa pamamagitan ng awa Mo, Panginoon namin, mula sa mga kamay ng mga tao ni Paraon, na mga tagatangging sumampalataya, sapagkat umalipin sila sa amin at puminsala sila sa amin sa pamamagitan ng pagpapahirap at pagpatay."

87

وَأَوْحَيْنَآ إِلَىٰ مُوسَىٰ وَأَخِيهِ أَن تَبَوَّءَا لِقَوْمِكُمَا بِمِصْرَ بُيُوتًۭا وَٱجْعَلُوا۟ بُيُوتَكُمْ قِبْلَةًۭ وَأَقِيمُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ ۗ وَبَشِّرِ ٱلْمُؤْمِنِينَ

And We inspired to Moses and his brother, "Settle your people in Egypt in houses and make your houses [facing the] qiblah and establish prayer and give good tidings to the believers."

Nagkasi Kami kay Moises at sa kapatid niyang si Aaron – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – na [nagsasabi]: "Pumili kayong dalawa at gumawa kayong dalawa para sa mga tao ninyong dalawa ng ilang bahay para sa pagsamba kay Allāh lamang. Gawin ninyo ang mga bahay ninyo na nakaharap sa dako ng qiblah sa Jerusalem. Magsagawa kayo ng pagdarasal nang lubusan. Magpabatid ka, O Moises, sa mga mananampalataya ng nagpapatuwa sa kanila na pag-aadya ni Allāh, pag-ayuda sa kanila, pagpapahamak sa kaaway nila, at paghahalili sa kanila sa lupa."

88

وَقَالَ مُوسَىٰ رَبَّنَآ إِنَّكَ ءَاتَيْتَ فِرْعَوْنَ وَمَلَأَهُۥ زِينَةًۭ وَأَمْوَٰلًۭا فِى ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا رَبَّنَا لِيُضِلُّوا۟ عَن سَبِيلِكَ ۖ رَبَّنَا ٱطْمِسْ عَلَىٰٓ أَمْوَٰلِهِمْ وَٱشْدُدْ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَلَا يُؤْمِنُوا۟ حَتَّىٰ يَرَوُا۟ ٱلْعَذَابَ ٱلْأَلِيمَ

And Moses said, "Our Lord, indeed You have given Pharaoh and his establishment splendor and wealth in the worldly life, our Lord, that they may lead [men] astray from Your way. Our Lord, obliterate their wealth and harden their hearts so that they will not believe until they see the painful punishment."

Nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Panginoon namin, tunay na Ikaw ay nagbigay kay Paraon at sa mga maharlika kabilang sa mga tao niya ng palamuti ng Mundo at mga burloloy nito bilang gayak, at nagbigay sa kanila ng mga yaman sa buhay na ito sa Mundo ngunit hindi sila nagpasalamat sa Iyo sa ibinigay Mo sa kanila, bagkus nagpatulong sila sa mga ito sa pagliligaw palayo sa landas Mo. Panginoon namin, burahin Mo ang mga yaman nila at puksain Mo ang mga ito. Gawin Mo ang mga puso nila na matigas kaya hindi sila sasampalataya malibang kapag nasasaksihan nila ang pagdurusang nakasasakit kapag hindi magpapakinabang sa kanila ang pananampalataya nila."

89

قَالَ قَدْ أُجِيبَت دَّعْوَتُكُمَا فَٱسْتَقِيمَا وَلَا تَتَّبِعَآنِّ سَبِيلَ ٱلَّذِينَ لَا يَعْلَمُونَ

[Allah] said, "Your supplication has been answered." So remain on a right course and follow not the way of those who do not know."

Nagsabi si Allāh: "Sumagot na Ako sa panalangin ninyong dalawa, O Moises at Aaron, laban kay Paraon at mga maharlika ng mga tao nito, kaya magpakatatag kayong dalawa sa relihiyon ninyong dalawa at huwag kayong dalawa lumihis palayo rito patungo sa pagsunod sa landas ng mga mangmang na hindi nakaaalam sa daan ng katotohanan."

90

۞ وَجَٰوَزْنَا بِبَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ ٱلْبَحْرَ فَأَتْبَعَهُمْ فِرْعَوْنُ وَجُنُودُهُۥ بَغْيًۭا وَعَدْوًا ۖ حَتَّىٰٓ إِذَآ أَدْرَكَهُ ٱلْغَرَقُ قَالَ ءَامَنتُ أَنَّهُۥ لَآ إِلَٰهَ إِلَّا ٱلَّذِىٓ ءَامَنَتْ بِهِۦ بَنُوٓا۟ إِسْرَٰٓءِيلَ وَأَنَا۠ مِنَ ٱلْمُسْلِمِينَ

And We took the Children of Israel across the sea, and Pharaoh and his soldiers pursued them in tyranny and enmity until, when drowning overtook him, he said, "I believe that there is no deity except that in whom the Children of Israel believe, and I am of the Muslims."

Nagpadali Kami para sa mga anak ni Israel ng pagtawid sa dagat matapos ng pagkabiyak nito hanggang sa nakalampas sila roon na mga ligtas ngunit humabol sa kanila si Paraon at ang hukbo niya dala ng paglabag sa katarungan at pangangaway. Hanggang sa nang sumaklob sa kanya ang dagat, humantong sa kanya ang pagkalunod, at nawalan siya ng pag-asa sa pagkakaligtas ay nagsabi siya: "Sumampalataya ako na walang sinasamba ayon sa karapatan kundi ang sinampalatayanan ng mga anak ni Israel, at ako ay kabilang sa mga nagpapaakay kay Allāh sa pagtalima."

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.