Muslim99Muslim99
← Tafsir library

10. Yunus

Jonas · Meccan · 109 ayahs

سُورَةُ يُونُسَ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 51–60 of 109

51

أَثُمَّ إِذَا مَا وَقَعَ ءَامَنتُم بِهِۦٓ ۚ ءَآلْـَٰٔنَ وَقَدْ كُنتُم بِهِۦ تَسْتَعْجِلُونَ

Then is it that when it has [actually] occurred you will believe in it? Now? And you were [once] for it impatient

Matapos ba na maganap sa inyo ang pagdurusang ipinangako sa inyo ay mananampalataya kayo sa sandaling hindi magpapakinabang sa isang kaluluwa ang pananampalataya nito kung hindi ito dating sumampalataya noong una pa? Mananampalataya ba kayo ngayon, samantalang kayo nga dati ay nagmamadali sa pagdurusa bago pa niyan bilang paraan ng pagpapasinungaling dito?"

52

ثُمَّ قِيلَ لِلَّذِينَ ظَلَمُوا۟ ذُوقُوا۟ عَذَابَ ٱلْخُلْدِ هَلْ تُجْزَوْنَ إِلَّا بِمَا كُنتُمْ تَكْسِبُونَ

Then it will be said to those who had wronged, "Taste the punishment of eternity; are you being recompensed except for what you used to earn?"

Pagkatapos matapos ng pagpapapasok sa kanila sa pagdurusa at paghiling nila ng paglabas mula rito ay sasabihin sa kanila: "Lasapin ninyo ang pagdurusang mamalagi sa Kabilang-buhay. Ginagantimpalaan kaya kayo ng maliban pa sa ayon sa dati ninyo ginagawa na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway?"

53

۞ وَيَسْتَنۢبِـُٔونَكَ أَحَقٌّ هُوَ ۖ قُلْ إِى وَرَبِّىٓ إِنَّهُۥ لَحَقٌّۭ ۖ وَمَآ أَنتُم بِمُعْجِزِينَ

And they ask information of you, [O Muhammad], "Is it true?" Say, "Yes, by my Lord. Indeed, it is truth; and you will not cause failure [to Allah]."

Nagpapaulat sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagtambal: "Ang pagdurusang ito ba na ipinangako sa amin ay totoo?" Sabihin mo sa kanila: "Oo; tunay na ito – sumpa man kay Allāh – ay talagang totoo, at kayo ay hindi mga makatatakas mula rito."

54

وَلَوْ أَنَّ لِكُلِّ نَفْسٍۢ ظَلَمَتْ مَا فِى ٱلْأَرْضِ لَٱفْتَدَتْ بِهِۦ ۗ وَأَسَرُّوا۟ ٱلنَّدَامَةَ لَمَّا رَأَوُا۟ ٱلْعَذَابَ ۖ وَقُضِىَ بَيْنَهُم بِٱلْقِسْطِ ۚ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ

And if each soul that wronged had everything on earth, it would offer it in ransom. And they will confide regret when they see the punishment; and they will be judged in justice, and they will not be wronged

Kung sakaling taglay ng bawat tagapagtambal kay Allāh ang lahat ng anumang nasa lupa na mga yamang mamahalin ay talaga sanang gagawin niya ito bilang panumbas sa pagkalas niya sa parusa ni Allāh. Ito ay kung sakaling bibigyan siya ng pagkakataon na ipantubos ito. Ikukubli ng mga tagapagtambal ang pagsisisi sa kawalang-pananampalataya nila kapag nakasaksi sila sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon. Maghuhusga si Allāh sa pagitan nila ayon sa katarungan habang sila ay hindi lalabagin sa katarungan. Gagantihan lamang sila ayon sa mga gawa nila.

55

أَلَآ إِنَّ لِلَّهِ مَا فِى ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ ۗ أَلَآ إِنَّ وَعْدَ ٱللَّهِ حَقٌّۭ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ

Unquestionably, to Allah belongs whatever is in the heavens and the earth. Unquestionably, the promise of Allah is truth, but most of them do not know

Pakaalamin, tunay na sa kay Allāh lamang ang pagmamay-ari ng anumang nasa mga langit at ang pagmamay-ari ng anumang nasa lupa. Pakaalamin, tunay na ang pangako ni Allāh ng pagpaparusa sa mga tagatangging sumampalataya ay magaganap, walang pag-aalangan hinggil doon, subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam niyon kaya nagdududa sila.

56

هُوَ يُحْىِۦ وَيُمِيتُ وَإِلَيْهِ تُرْجَعُونَ

He gives life and causes death, and to Him you will be returned

Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay bumubuhay sa mga patay at nagbibigay-kamatayan sa mga buhay. Tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Araw ng Pagbangon para gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo.

57

يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّاسُ قَدْ جَآءَتْكُم مَّوْعِظَةٌۭ مِّن رَّبِّكُمْ وَشِفَآءٌۭ لِّمَا فِى ٱلصُّدُورِ وَهُدًۭى وَرَحْمَةٌۭ لِّلْمُؤْمِنِينَ

O mankind, there has to come to you instruction from your Lord and healing for what is in the breasts and guidance and mercy for the believers.

O mga tao, dumating nga sa inyo ang Qur'ān na may pagpapaalaala, pagpapaibig, at pagpapangilabot. Ito ay isang lunas sa nasa mga puso na sakit ng pagdududa at pag-aalinlangan, at isang paggabay sa daan ng katotohanan. Dito ay may awa para sa mga mananampalataya sapagkat sila ang mga makikinabang dito.

58

قُلْ بِفَضْلِ ٱللَّهِ وَبِرَحْمَتِهِۦ فَبِذَٰلِكَ فَلْيَفْرَحُوا۟ هُوَ خَيْرٌۭ مِّمَّا يَجْمَعُونَ

Say, "In the bounty of Allah and in His mercy - in that let them rejoice; it is better than what they accumulate."

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tao: "Ang inihatid ko sa inyo na Qur'ān ay isang kagandahang-loob mula kay Allāh sa inyo at isang awa mula sa Kanya sa inyo. Kaya sa kabutihang-loob ni Allāh sa inyo at awa Niya sa inyo dahil sa pagpapababa ng Qur'ān na ito ay magalak kayo, hindi sa iba pa sa mga ito sapagkat ang anumang inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – mula sa Panginoon niya ay higit na mabuti kaysa sa iniipon nila na mga panandaliang basura ng Mundo."

59

قُلْ أَرَءَيْتُم مَّآ أَنزَلَ ٱللَّهُ لَكُم مِّن رِّزْقٍۢ فَجَعَلْتُم مِّنْهُ حَرَامًۭا وَحَلَٰلًۭا قُلْ ءَآللَّهُ أَذِنَ لَكُمْ ۖ أَمْ عَلَى ٱللَّهِ تَفْتَرُونَ

Say, "Have you seen what Allah has sent down to you of provision of which you have made [some] lawful and [some] unlawful?" Say, "Has Allah permitted you [to do so], or do you invent [something] about Allah?"

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magpabatid kayo sa akin tungkol sa ipinagmagandang-loob ni Allāh sa inyo na pagpapababa ng panustos, saka may ginawa kayo rito dahil sa mga pithaya ninyo kaya nagpahintulot kayo sa ilan dito at nagbawal kayo sa ilan dito." Sabihin mo sa kanila: "Si Allāh kaya ay pumayag sa inyo sa pagpapahintulot ng ipinahintulot ninyo at pagbabawal sa ipinagbawal ninyo, o na kayo ay lumilikha-likha laban sa Kanya ng kasinungalingan?"

60

وَمَا ظَنُّ ٱلَّذِينَ يَفْتَرُونَ عَلَى ٱللَّهِ ٱلْكَذِبَ يَوْمَ ٱلْقِيَٰمَةِ ۗ إِنَّ ٱللَّهَ لَذُو فَضْلٍ عَلَى ٱلنَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَشْكُرُونَ

And what will be the supposition of those who invent falsehood about Allah on the Day of Resurrection? Indeed, Allah is full of bounty to the people, but most of them are not grateful."

Aling bagay ang ipinagpapalagay ng mga lumilikha-likha ng kasinungalingan laban sa Kanya na magaganap sa kanila sa Araw ng Pagbangon? Nagpapalagay ba sila na magpapatawad Siya sa kanila? Malayong mangyari! Tunay na si Allāh ay talagang may pagmamagandang-loob sa mga tao dahil sa pagpapalugit sa kanila at hindi pagmamadali sa kanila sa kaparusahan, subalit ang higit na marami sa kanila ay mga nagkakaila sa mga biyaya ni Allāh sa kanila kaya hindi sila nagpapasalamat sa mga ito.

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.