Muslim99Muslim99
← Tafsir library

10. Yunus

Jonas · Meccan · 109 ayahs

سُورَةُ يُونُسَ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 41–50 of 109

41

وَإِن كَذَّبُوكَ فَقُل لِّى عَمَلِى وَلَكُمْ عَمَلُكُمْ ۖ أَنتُم بَرِيٓـُٔونَ مِمَّآ أَعْمَلُ وَأَنَا۠ بَرِىٓءٌۭ مِّمَّا تَعْمَلُونَ

And if they deny you, [O Muhammad], then say, "For me are my deeds, and for you are your deeds. You are disassociated from what I do, and I am disassociated from what you do."

Kaya kung nagpasinungaling sa iyo, O Sugo, ang mga kababayan mo ay sabihin mo sa kanila: "Ukol sa akin ang gantimpala ng gawain ko at ako ay mananagot sa kalalabasan ng gawain ko. Ukol sa inyo ang gantimpala ng gawain ninyo at sa inyo ang parusa rito. Kayo ay mga walang-kaugnayan sa parusa sa anumang ginagawa ko at ako ay walang-kaugnayan sa parusa sa anumang ginagawa ninyo."

42

وَمِنْهُم مَّن يَسْتَمِعُونَ إِلَيْكَ ۚ أَفَأَنتَ تُسْمِعُ ٱلصُّمَّ وَلَوْ كَانُوا۟ لَا يَعْقِلُونَ

And among them are those who listen to you. But can you cause the deaf to hear, although they will not use reason?

Kabilang sa mga tagapagtambal ang nakikinig sa iyo, O Sugo, kapag bumigkas ka ng Qur'ān, ayon sa pakikinig na hindi nakaugnay sa pagtanggap at pagpapasakop. Ngunit ikaw ba ay nakakakaya sa pagpapakinig sa sinumang inalisan ng pandinig? Kaya sa gayon hindi ka nakakakaya sa pagpapatnubay sa mga nabinging ito sa pakikinig sa katotohanan sapagkat hindi sila nakapag-uunawa nito.

43

وَمِنْهُم مَّن يَنظُرُ إِلَيْكَ ۚ أَفَأَنتَ تَهْدِى ٱلْعُمْىَ وَلَوْ كَانُوا۟ لَا يُبْصِرُونَ

And among them are those who look at you. But can you guide the blind although they will not [attempt to] see?

Kabilang sa mga tagapagtambal ang tumitingin sa iyo, O Sugo, sa pamamagitan ng paningin niyang pisikal hindi ng pagkatalos niya. Ngunit ikaw ba ay nakakakaya ng pagbibigay ng paningin sa mga inalisan ng mga paningin nila? Tunay na ikaw ay hindi nakakakaya niyon. Sa gayon hindi ka nakakakaya ng pagpapatnubay sa nawawala ang pagkatalos.

44

إِنَّ ٱللَّهَ لَا يَظْلِمُ ٱلنَّاسَ شَيْـًۭٔا وَلَٰكِنَّ ٱلنَّاسَ أَنفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ

Indeed, Allah does not wrong the people at all, but it is the people who are wronging themselves.

Tunay na si Allāh ay nagpawalang-kaugnayan sa paglabag sa katarungan sa mga lingkod Niya sapagkat Siya ay hindi lumalabag sa katarungan sa kanila ng kasimbigat man ng isang maliit na langgam subalit sila ay ang lumalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa pagpapakapanatiko sa kabulaanan, pakikipagmalakihan, at pagmamatigas.

45

وَيَوْمَ يَحْشُرُهُمْ كَأَن لَّمْ يَلْبَثُوٓا۟ إِلَّا سَاعَةًۭ مِّنَ ٱلنَّهَارِ يَتَعَارَفُونَ بَيْنَهُمْ ۚ قَدْ خَسِرَ ٱلَّذِينَ كَذَّبُوا۟ بِلِقَآءِ ٱللَّهِ وَمَا كَانُوا۟ مُهْتَدِينَ

And on the Day when He will gather them, [it will be] as if they had not remained [in the world] but an hour of the day, [and] they will know each other. Those will have lost who denied the meeting with Allah and were not guided

Sa araw na kakalap si Allāh ang mga tao sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos sa kanila, para bang hindi sila namalagi sa buhay nila sa Mundo at sa Barzakh nila maliban sa isang bahagi ng maghapon, hindi higit pa. Nakakikilala sila sa isa't isa sa kanila roon. Pagkatapos mapuputol ang pagkakilala nila dahil sa tindi ng masasaksihan nila na mga hilakbot sa Araw ng Pagbangon. Nalugi nga ang mga nagpapasinungaling sa pakikipagkita sa Panginoon nila sa Araw ng Pagkabuhay. Hindi sila noon mga mananampalataya sa Mundo sa Araw ng Pagbubuhay upang maligtas sila sa kalugihan.

46

وَإِمَّا نُرِيَنَّكَ بَعْضَ ٱلَّذِى نَعِدُهُمْ أَوْ نَتَوَفَّيَنَّكَ فَإِلَيْنَا مَرْجِعُهُمْ ثُمَّ ٱللَّهُ شَهِيدٌ عَلَىٰ مَا يَفْعَلُونَ

And whether We show you some of what We promise them, [O Muhammad], or We take you in death, to Us is their return; then, [either way], Allah is a witness concerning what they are doing

Kung magpapakita nga naman Kami sa iyo, O Sugo, ng ilan sa ipinangako Namin sa kanila na pagdurusa bago ng kamatayan mo, o magpapayao nga naman Kami sa iyo bago niyon, sa kapwa kalagayan ay tungo sa Amin ang panunumbalik nila sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos si Allāh ay nakababatid sa anumang dati nilang ginagawa: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman. Gaganti Siya sa kanila sa mga gawa nila.

47

وَلِكُلِّ أُمَّةٍۢ رَّسُولٌۭ ۖ فَإِذَا جَآءَ رَسُولُهُمْ قُضِىَ بَيْنَهُم بِٱلْقِسْطِ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ

And for every nation is a messenger. So when their messenger comes, it will be judged between them in justice, and they will not be wronged

Para sa bawat kalipunan kabilang sa mga kalipunang nauna ay may sugong isinugo sa kanila. Kaya kapag umabot sa kanila ang ipinag-utos na ipaabot at nagpasinungaling sila rito, hahatol sa pagitan nila at nito ayon sa katarungan, ngunit magliligtas dito si Allāh dahil sa kabutihang-loob Niya at magpapahamak Siya sa kanila ayon sa katarungan Niya habang sila ay hindi nilalabag sa katarungan sa anuman sa ganti sa mga gawa nila.

48

وَيَقُولُونَ مَتَىٰ هَٰذَا ٱلْوَعْدُ إِن كُنتُمْ صَٰدِقِينَ

And they say, "When is [the fulfillment of] this promise, if you should be truthful?"

Magsasabi itong mga tagatangging sumampalataya habang mga nakikipagmatigasan at mga naghahamon: "Kailan ang panahon ng ipinangako ninyo sa amin na pagdurusa kung kayo ay mga tapat sa inaangkin ninyo?"

49

قُل لَّآ أَمْلِكُ لِنَفْسِى ضَرًّۭا وَلَا نَفْعًا إِلَّا مَا شَآءَ ٱللَّهُ ۗ لِكُلِّ أُمَّةٍ أَجَلٌ ۚ إِذَا جَآءَ أَجَلُهُمْ فَلَا يَسْتَـْٔخِرُونَ سَاعَةًۭ ۖ وَلَا يَسْتَقْدِمُونَ

Say, "I possess not for myself any harm or benefit except what Allah should will. For every nation is a [specified] term. When their time has come, then they will not remain behind an hour, nor will they precede [it]."

Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Hindi ako nakapagdudulot para sa sarili ko ng isang pinsalang ipamiminsala ko rito o ipantatanggol ko rito ni isang pakinabang na ipakikinabang ko rito, kaya papaano na sa pagpapakinabang ng iba sa akin o pamiminsala rito, maliban sa niloob ni Allāh mula roon. Kaya papaanong ukol sa akin na makaalam ako sa Lingid Niya? Para sa bawat kalipunan kabilang sa mga kalipunang nagbanta si Allāh dito ng isang kapahamakan ay may panahong itinakda para sa kapahamakan nito, na walang nakaaalam niyon kundi si Allāh. Kaya kapag dumating ang panahon ng kapahamakan nito ay hindi mahuhuli ito ng anumang oras at hindi mauuna."

50

قُلْ أَرَءَيْتُمْ إِنْ أَتَىٰكُمْ عَذَابُهُۥ بَيَٰتًا أَوْ نَهَارًۭا مَّاذَا يَسْتَعْجِلُ مِنْهُ ٱلْمُجْرِمُونَ

Say, "Have you considered: if His punishment should come to you by night or by day - for which [aspect] of it would the criminals be impatient?"

Sabihin mo, O Sugo, sa mga nagmamadaling ito sa pagdurusa: "Magpabatid kayo sa akin; kung dumating sa inyo ang parusa ni Allāh sa alinmang oras ng gabi o maghapon, ano ang ipinagmamadali ninyo mula sa pagdurusang ito?

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.