Muslim99Muslim99
← Tafsir library

10. Yunus

Jonas · Meccan · 109 ayahs

سُورَةُ يُونُسَ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 31–40 of 109

31

قُلْ مَن يَرْزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ وَٱلْأَرْضِ أَمَّن يَمْلِكُ ٱلسَّمْعَ وَٱلْأَبْصَٰرَ وَمَن يُخْرِجُ ٱلْحَىَّ مِنَ ٱلْمَيِّتِ وَيُخْرِجُ ٱلْمَيِّتَ مِنَ ٱلْحَىِّ وَمَن يُدَبِّرُ ٱلْأَمْرَ ۚ فَسَيَقُولُونَ ٱللَّهُ ۚ فَقُلْ أَفَلَا تَتَّقُونَ

Say, "Who provides for you from the heaven and the earth? Or who controls hearing and sight and who brings the living out of the dead and brings the dead out of the living and who arranges [every] matter?" They will say, "Allah," so say, "Then will you not fear Him?"

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito kay Allāh: "Sino ang nagtutustos sa inyo mula sa dako ng langit sa pamamagitan ng pagpapababa ng ulan sa inyo? Sino ang nagtutustos sa inyo mula sa lupa sa pamamagitan ng tumutubo rito na mga halaman at sa pamamagitan ng nilalaman nito na mga mina? Sino ang nagpapalabas ng buhay mula sa patay gaya ng tao mula sa punlay at ng ibon mula sa itlog? Sino ang nagpapalabas ng patay mula sa buhay gaya ng punlay mula sa hayop at ng itlog mula sa ibon? Sino ang nangangasiwa sa kapakanan ng mga langit at lupa at anumang nasa mga ito na mga nilikha?" Magsasabi sila na ang tagagawa niyon sa kabuuan niyon ay si Allāh. Kaya sabihin mo sa kanila: "Kaya ba hindi kayo nakaaalam niyon at hindi kayo nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya?"

32

فَذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمُ ٱلْحَقُّ ۖ فَمَاذَا بَعْدَ ٱلْحَقِّ إِلَّا ٱلضَّلَٰلُ ۖ فَأَنَّىٰ تُصْرَفُونَ

For that is Allah, your Lord, the Truth. And what can be beyond truth except error? So how are you averted?

Kaya gayon, O mga tao, ang gumagawa niyon sa kabuuan niyon. Siya si Allāh, ang Totoo, ang Tagapaglikha ninyo, ang Tagapangasiwa ng kapakanan ninyo. Kaya ano pa matapos ng pagkakilala sa katotohanan kundi ang pagkalayo rito at ang pagkawala? Kaya saan pupunta ang mga isip ninyo palayo sa katotohanang hayag na ito?"

33

كَذَٰلِكَ حَقَّتْ كَلِمَتُ رَبِّكَ عَلَى ٱلَّذِينَ فَسَقُوٓا۟ أَنَّهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ

Thus the word of your Lord has come into effect upon those who defiantly disobeyed - that they will not believe.

Kung paanong napagtibay ang pagkapanginoong totoo para kay Allāh, kinailangan, O Sugo, ang salitang pang-itinakda ng Panginoon mo laban sa mga lumabas sa totoo dala ng pagmamatigas na sila ay hindi sumasampalataya.

34

قُلْ هَلْ مِن شُرَكَآئِكُم مَّن يَبْدَؤُا۟ ٱلْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ ۚ قُلِ ٱللَّهُ يَبْدَؤُا۟ ٱلْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ ۖ فَأَنَّىٰ تُؤْفَكُونَ

Say, "Are there of your 'partners' any who begins creation and then repeats it?" Say, "Allah begins creation and then repeats it, so how are you deluded?"

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Kabilang kaya sa gitna ng mga pantambal ninyo na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ang nagpapaumpisa ng paglikha nang walang pagkakatulad na nauna, pagkatapos magbubuhay Siya nito matapos ng kamatayan nito?" Sabihin mo sa kanila: "Si Allāh ay nagpapaumpisa ng paglikha nang walang pagkakatulad na nauna, pagkatapos magbubuhay Siya nito matapos ng kamatayan nito. Kaya papaano kayong nalilihis, O mga tagapagtambal, palayo sa katotohanan patungo sa kabulaanan?"

35

قُلْ هَلْ مِن شُرَكَآئِكُم مَّن يَهْدِىٓ إِلَى ٱلْحَقِّ ۚ قُلِ ٱللَّهُ يَهْدِى لِلْحَقِّ ۗ أَفَمَن يَهْدِىٓ إِلَى ٱلْحَقِّ أَحَقُّ أَن يُتَّبَعَ أَمَّن لَّا يَهِدِّىٓ إِلَّآ أَن يُهْدَىٰ ۖ فَمَا لَكُمْ كَيْفَ تَحْكُمُونَ

Say, "Are there of your 'partners' any who guides to the truth?" Say, "Allah guides to the truth. So is He who guides to the truth more worthy to be followed or he who guides not unless he is guided? Then what is [wrong] with you - how do you judge?"

Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Kabilang kaya sa gitna ng mga pantambal ninyo na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ang gumagabay tungo sa katotohanan?" Sabihin mo sa kanila: "Si Allāh lamang ay gumagabay tungo sa katotohanan. Kaya ang gumagabay ba sa mga tao tungo sa katotohanan at nag-aanyaya sa kanila tungo rito ay higit na marapat na sundin o ang mga sinasamba ninyo na hindi napapatnubayan sa sarili ng mga ito maliban na nagpapatnubay sa mga ito ang iba pa sa mga ito? Kaya ano ang mayroon sa inyo? Papaano kayong humahatol ayon sa kabulaanan nang nag-angkin kayo na sila ay mga pantambal para kay Allāh? Pagkataas-taas si Allāh kaysa sa sabi ninyo ayon sa kataasang malaki."

36

وَمَا يَتَّبِعُ أَكْثَرُهُمْ إِلَّا ظَنًّا ۚ إِنَّ ٱلظَّنَّ لَا يُغْنِى مِنَ ٱلْحَقِّ شَيْـًٔا ۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمٌۢ بِمَا يَفْعَلُونَ

And most of them follow not except assumption. Indeed, assumption avails not against the truth at all. Indeed, Allah is Knowing of what they do.

Hindi sumusunod ang karamihan sa mga tagapagtambal kundi sa bagay na walang kaalaman ukol sa kanila hinggil doon sapagkat hindi sila sumusunod kundi sa isang akala at isang pagdududa. Tunay na ang pagdududa ay hindi nakatatayo sa kinatatayuan ng katotohanan at hindi nakasasapat dito. Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang ginagawa nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawa nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito.

37

وَمَا كَانَ هَٰذَا ٱلْقُرْءَانُ أَن يُفْتَرَىٰ مِن دُونِ ٱللَّهِ وَلَٰكِن تَصْدِيقَ ٱلَّذِى بَيْنَ يَدَيْهِ وَتَفْصِيلَ ٱلْكِتَٰبِ لَا رَيْبَ فِيهِ مِن رَّبِّ ٱلْعَٰلَمِينَ

And it was not [possible] for this Qur'an to be produced by other than Allah, but [it is] a confirmation of what was before it and a detailed explanation of the [former] Scripture, about which there is no doubt, from the Lord of the worlds.

Hindi natutumpak para sa Qur’ān na ito na malikha-likha ito at maiugnay ito sa iba pa kay Allāh dahil sa di-maiiwasang kawalang-kakayahan ng mga tao sa paglalahad ng tulad nito. Bagkus ito ay isang tagapatotoo sa bumaba kabilang sa mga kasulatan bago nito, na isang tagalinaw sa binuod sa mga iyon na mga patakaran. Kaya ito ay walang duda na ito ay pinababa mula sa Panginoon ng mga nilikha – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya.

38

أَمْ يَقُولُونَ ٱفْتَرَىٰهُ ۖ قُلْ فَأْتُوا۟ بِسُورَةٍۢ مِّثْلِهِۦ وَٱدْعُوا۟ مَنِ ٱسْتَطَعْتُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ إِن كُنتُمْ صَٰدِقِينَ

Or do they say [about the Prophet], "He invented it?" Say, "Then bring forth a surah like it and call upon [for assistance] whomever you can besides Allah, if you should be truthful."

Bagkus nagsasabi ba ang mga tagapagtambal na ito na tunay na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay lumikha-likha ng Qur'ān na ito mula sa sarili niya at nag-ugnay nito kay Allāh? Sabihin mo, O Sugo, bilang tugon sa kanila: "Kung nagdala ako nito mula sa ganang akin samantalang ako ay isang taong tulad ninyo, magdala kayo mismo ng isang kabanatang kabilang sa tulad nito. Tumawag kayo ng sinumang nakaya ninyong tawagin para umalalay sa inyo, kung kayo ay mga tapat sa inaangkin ninyo na ang Qur'ān daw ay nilikha-likhang kasinungalingan. Hindi kayo makakakaya niyon. Ang kawalan ng kakayahan ninyo – kayong mga mahusay ang dila at mga panginoon ng katatasan – ay nagpapatunay na ang Qur'ān ay pinababa mula sa ganang kay Allāh."

39

بَلْ كَذَّبُوا۟ بِمَا لَمْ يُحِيطُوا۟ بِعِلْمِهِۦ وَلَمَّا يَأْتِهِمْ تَأْوِيلُهُۥ ۚ كَذَٰلِكَ كَذَّبَ ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِهِمْ ۖ فَٱنظُرْ كَيْفَ كَانَ عَٰقِبَةُ ٱلظَّٰلِمِينَ

Rather, they have denied that which they encompass not in knowledge and whose interpretation has not yet come to them. Thus did those before them deny. Then observe how was the end of the wrongdoers.

Ngunit hindi sila sumagot, bagkus nagdali-dali sila sa pagpapasinungaling sa Qur'ān bago sila magpakaunawa nito at magbulay-bulay nito at bago mangyari ang ibinabala sa kanila na pagdurusa, na nalapit na ang pagpunta niyon. Tulad ng pagpapasinungaling na ito nagpasinungaling ang mga kalipunang nauna. Kaya bumaba sa mga iyon ang bumaba na pagdurusa. Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung naging papaano ang wakas ng mga kalipunang tagapasinungaling sapagkat nagpahamak sa kanila si Allāh.

40

وَمِنْهُم مَّن يُؤْمِنُ بِهِۦ وَمِنْهُم مَّن لَّا يُؤْمِنُ بِهِۦ ۚ وَرَبُّكَ أَعْلَمُ بِٱلْمُفْسِدِينَ

And of them are those who believe in it, and of them are those who do not believe in it. And your Lord is most knowing of the corrupters

Kabilang sa mga tagapagtambal ang sasampalataya sa Qur'ān bago ng kamatayan nila at kabilang sa kanila ang hindi sumasampalataya rito dala ng pagmamatigas at pakikipagmalakihan hanggang sa mamatay. Ang Panginoon mo, O Sugo, ay higit na maalam sa mga nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila. Gaganti Siya sa kanila sa kawalang-pananampalataya nila.

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.