وَإِذَآ أَذَقْنَا ٱلنَّاسَ رَحْمَةًۭ مِّنۢ بَعْدِ ضَرَّآءَ مَسَّتْهُمْ إِذَا لَهُم مَّكْرٌۭ فِىٓ ءَايَاتِنَا ۚ قُلِ ٱللَّهُ أَسْرَعُ مَكْرًا ۚ إِنَّ رُسُلَنَا يَكْتُبُونَ مَا تَمْكُرُونَ
And when We give the people a taste of mercy after adversity has touched them, at once they conspire against Our verses. Say, "Allah is swifter in strategy." Indeed, Our messengers record that which you conspire
Nang nagpalasap Kami sa mga tagapagtambal ng isang biyaya ng ulan at katabaan ng lupa matapos ng isang tagtuyot at isang kahikahusang tumama sa kanila, biglang mayroon silang panunuya at pagpapasinungaling sa mga tanda Namin. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Si Allāh ay higit na matulin sa panlalansi at higit na mabilis sa pagpapain sa inyo at sa pagpaparusa." Tunay na ang mga tagapag-ingat kabilang sa mga anghel ay nagsusulat ng anumang ipinapanukala ninyo na panlalansi. Walang nakalulusot sa kanila mula sa mga ito na anuman kaya papaanong makalulusot sila sa Tagapaglikha nila? Gaganti sa inyo si Allāh sa panlalansi ninyo.