Muslim99Muslim99
← Tafsir library

10. Yunus

Jonas · Meccan · 109 ayahs

سُورَةُ يُونُسَ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 91–100 of 109

91

ءَآلْـَٰٔنَ وَقَدْ عَصَيْتَ قَبْلُ وَكُنتَ مِنَ ٱلْمُفْسِدِينَ

Now? And you had disobeyed [Him] before and were of the corrupters?

Sumasampalataya ka ba ngayon matapos ng pagkawala ng pag-asa sa buhay samantalang sumuway ka nga kay Allāh, O Paraon, bago ng pagbaba ng pagdurusa dahil sa kawalang-pananampalataya at pagbalakid sa landas Niya, at ikaw dati ay kabilang sa mga tagatiwali dahilan sa pagkaligaw mo sa sarili mo at pagliligaw mo sa iba pa sa iyo?

92

فَٱلْيَوْمَ نُنَجِّيكَ بِبَدَنِكَ لِتَكُونَ لِمَنْ خَلْفَكَ ءَايَةًۭ ۚ وَإِنَّ كَثِيرًۭا مِّنَ ٱلنَّاسِ عَنْ ءَايَٰتِنَا لَغَٰفِلُونَ

So today We will save you in body that you may be to those who succeed you a sign. And indeed, many among the people, of Our signs, are heedless

Kaya sa araw na ito, magpapalabas Kami sa iyo, O Paraon, mula sa dagat at maglalagay Kami sa iyo sa isang nakaangat mula sa lupa upang magsaalang-alang sa pamamagitan mo ang darating matapos mo. Tunay na marami sa mga tao sa mga katwiran Namin at mga patunay ng kakayahan Namin ay talagang mga nalilingat, na hindi nag-iisip-isip kaugnay sa mga ito.

93

وَلَقَدْ بَوَّأْنَا بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ مُبَوَّأَ صِدْقٍۢ وَرَزَقْنَٰهُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ فَمَا ٱخْتَلَفُوا۟ حَتَّىٰ جَآءَهُمُ ٱلْعِلْمُ ۚ إِنَّ رَبَّكَ يَقْضِى بَيْنَهُمْ يَوْمَ ٱلْقِيَٰمَةِ فِيمَا كَانُوا۟ فِيهِ يَخْتَلِفُونَ

And We had certainty settled the Children of Israel in an agreeable settlement and provided them with good things. And they did not differ until [after] knowledge had come to them. Indeed, your Lord will judge between them on the Day of Resurrection concerning that over which they used to differ

Talaga ngang nagpatuloy si Allāh sa mga anak ni Israel sa isang tuluyang napupuri at isang lugar na kinalulugdan sa pinagpalang bayan ng Shām. Nagtustos Siya sa kanila mula sa ipinahihintulot na kaaya-ayang bagay, saka hindi sila nagkaiba-iba sa usapin ng relihiyon hanggang sa dumating sa kanila ang Qur'ān bilang tagapatotoo sa nabasa nila sa Torah na katangian ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ngunit noong tumutol sila roon ay inagaw ang mga bayan nila. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay hahatol sa pagitan nila sa Araw ng Pagbangon sa anumang dati silang nagkakaiba-iba hinggil doon para gumanti Siya sa nagsasakatotohanan at nagsasakabulaanan kabilang sa kanila dahil sa anumang nagiging karapat-dapat sa bawat isa mula sa dalawang [uring] ito.

94

فَإِن كُنتَ فِى شَكٍّۢ مِّمَّآ أَنزَلْنَآ إِلَيْكَ فَسْـَٔلِ ٱلَّذِينَ يَقْرَءُونَ ٱلْكِتَٰبَ مِن قَبْلِكَ ۚ لَقَدْ جَآءَكَ ٱلْحَقُّ مِن رَّبِّكَ فَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلْمُمْتَرِينَ

So if you are in doubt, [O Muhammad], about that which We have revealed to you, then ask those who have been reading the Scripture before you. The truth has certainly come to you from your Lord, so never be among the doubters.

Kaya kung ikaw, O Sugo, ay nasa isang pag-aalinlangan at pagkalito sa katotohanan ng pinababa Namin sa iyo mula sa Qur'ān ay magtanong ka sa sinumang sumampalataya kabilang sa mga Hudyo na bumabasa ng Torah at mga Kristiyano na bumabasa ng Ebanghelyo saka magpapabatid sila sa iyo na ang pinababa sa iyo ay totoo dahil sa natatagpuan nila na paglalarawan dito sa mga kasulatan nila. Talaga ngang dumating sa iyo ang totoo na walang pag-aalangan hinggil dito na mula sa Panginoon mo kaya huwag ka ngang maging kabilang sa mga nagdududa.

95

وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلَّذِينَ كَذَّبُوا۟ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ فَتَكُونَ مِنَ ٱلْخَٰسِرِينَ

And never be of those who deny the signs of Allah and [thus] be among the losers.

Huwag ka ngang maging kabilang sa mga nagpasinungaling sa mga katwiran ni Allāh at mga patotoo Niya sapagkat dahil doon ay magiging kabilang ka sa mga naluging nagpalugi sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa kawalang-pananampalataya nila. Ang lahat ng pagbibigay-babalang ito ay para sa paglilinaw sa panganib ng pagdududa at pagpapasinungaling. Gayon pa man, tunay na ang Propeta ay napangalagaan laban sa pamumutawi mula sa kanya ng anuman kabilang dito.

96

إِنَّ ٱلَّذِينَ حَقَّتْ عَلَيْهِمْ كَلِمَتُ رَبِّكَ لَا يُؤْمِنُونَ

Indeed, those upon whom the word of your Lord has come into effect will not believe,

Tunay na ang mga napagtibay sa kanila ang pagtatadhana ni Allāh na sila ay mamamatay sa kawalang-pananampalataya dahil sa pagpupumilit nila rito ay hindi sasampalataya magpakailanman,

97

وَلَوْ جَآءَتْهُمْ كُلُّ ءَايَةٍ حَتَّىٰ يَرَوُا۟ ٱلْعَذَابَ ٱلْأَلِيمَ

Even if every sign should come to them, until they see the painful punishment.

kahit pa man dumating sa kanila ang bawat tandang pambatas at pansansinukob, hanggang sa makasaksi sila sa pagdurusang nakasasakit ay saka sila sasampalataya kapag hindi na magpapakinabang sa kanila ang pananampalataya.

98

فَلَوْلَا كَانَتْ قَرْيَةٌ ءَامَنَتْ فَنَفَعَهَآ إِيمَٰنُهَآ إِلَّا قَوْمَ يُونُسَ لَمَّآ ءَامَنُوا۟ كَشَفْنَا عَنْهُمْ عَذَابَ ٱلْخِزْىِ فِى ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا وَمَتَّعْنَٰهُمْ إِلَىٰ حِينٍۢ

Then has there not been a [single] city that believed so its faith benefited it except the people of Jonah? When they believed, We removed from them the punishment of disgrace in worldly life and gave them enjoyment for a time.

Hindi nangyari na may sumampalatayang isang pamayanan kabilang sa mga pamayanan, na nagpadala Kami sa mga iyon ng mga sugo Namin, ayon sa isang makabuluhang pananampalataya bago mapagmasdan ang pagdurusa. Kaya nagpakinabang dito ang pananampalataya nito dahil sa pagdating ng pananampalataya bago mapagmasdan iyon, maliban sa mga tao ni Jonas. Nang sumampalataya sila nang pananampalatayang tapat ay nag-angat Kami palayo sa kanila ng pagdurusa ng kaabahan at pagkahamak sa buhay na pangmundo at nagpatamasa Kami sa kanila hanggang sa oras ng pagwawakas ng mga taning nila.

99

وَلَوْ شَآءَ رَبُّكَ لَءَامَنَ مَن فِى ٱلْأَرْضِ كُلُّهُمْ جَمِيعًا ۚ أَفَأَنتَ تُكْرِهُ ٱلنَّاسَ حَتَّىٰ يَكُونُوا۟ مُؤْمِنِينَ

And had your Lord willed, those on earth would have believed - all of them entirely. Then, [O Muhammad], would you compel the people in order that they become believers?

Kung sakaling niloob ng Panginoon mo, O Sugo, ang pagsampalataya ng lahat ng sinumang nasa lupa ay talaga sanang sumampalataya sila, subalit hindi Niya niloob iyon dahil sa isang kasanhian. Siya ay nagliligaw sa sinumang niloloob Niya ayon sa katarungan Niya at nagpapatnubay sa sinumang niloloob Niya ayon sa kagandahang-loob Niya. Kaya hindi sa kakayahan mo ang pagpipilit sa mga tao na sila ay maging mga mananampalataya sapagkat ang pagtutuon sa kanila sa pananampalataya ay nasa kamay ni Allāh lamang.

100

وَمَا كَانَ لِنَفْسٍ أَن تُؤْمِنَ إِلَّا بِإِذْنِ ٱللَّهِ ۚ وَيَجْعَلُ ٱلرِّجْسَ عَلَى ٱلَّذِينَ لَا يَعْقِلُونَ

And it is not for a soul to believe except by permission of Allah, and He will place defilement upon those who will not use reason.

Hindi nararapat para sa isang kaluluwa na manampalataya ito mula sa pagkukusa ng sarili nito malibang ayon sa pahintulot ni Allāh. Kaya walang nagaganap na pananampalataya malibang ayon sa kalooban Niya, kaya huwag mapahamak ang sarili mo dala ng mga panghihinayang sa kanila. Naglalagay si Allāh ng pagdurusa at kahihiyan sa mga hindi nakatatalos buhat sa Kanya ng mga katwiran Niya, mga ipinag-uutos Niya, at mga sinasaway Niya.

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.