Muslim99Muslim99
← Tafsir library

10. Yunus

Jonas · Meccan · 109 ayahs

سُورَةُ يُونُسَ

Reading Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies

Ayahs 1–10 of 109

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ

1

الٓر ۚ تِلْكَ ءَايَٰتُ ٱلْكِتَٰبِ ٱلْحَكِيمِ

Alif, Lam, Ra. These are the verses of the wise Book

Alif. Lām. Rā’. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah. Ang mga talatang binibigkas na ito sa kabanatang ito ay mga talata ng Qur'ān na tahasan, na hinusayan, na naglalaman ng karunungan at mga patakaran.

2

أَكَانَ لِلنَّاسِ عَجَبًا أَنْ أَوْحَيْنَآ إِلَىٰ رَجُلٍۢ مِّنْهُمْ أَنْ أَنذِرِ ٱلنَّاسَ وَبَشِّرِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓا۟ أَنَّ لَهُمْ قَدَمَ صِدْقٍ عِندَ رَبِّهِمْ ۗ قَالَ ٱلْكَٰفِرُونَ إِنَّ هَٰذَا لَسَٰحِرٌۭ مُّبِينٌ

Have the people been amazed that We revealed [revelation] to a man from among them, [saying], "Warn mankind and give good tidings to those who believe that they will have a [firm] precedence of honor with their Lord"? [But] the disbelievers say, "Indeed, this is an obvious magician."

Naging isang motibo ba para sa mga tao sa pagtataka-taka na nagpababa ng pagkakasi sa isang lalaking kabilang sa lahi nila habang nag-uutos sa kanya na magbigay-babala sa kanila laban sa pagdurusa mula kay Allāh? Magpabatid ka, O Sugo, sa mga sumampalataya kay Allāh ng magpapatuwa sa kanila, na ukol sa kanila ay antas na mataas bilang ganti sa ipinagpauna nila na gawang maayos sa ganang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya. Nagsabi naman ang mga tagatangging sumampalataya: "Tunay na itong lalaking naghatid ng mga talatang ito ay talagang isang manggagaway na hayag ang panggagaway."

3

إِنَّ رَبَّكُمُ ٱللَّهُ ٱلَّذِى خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ فِى سِتَّةِ أَيَّامٍۢ ثُمَّ ٱسْتَوَىٰ عَلَى ٱلْعَرْشِ ۖ يُدَبِّرُ ٱلْأَمْرَ ۖ مَا مِن شَفِيعٍ إِلَّا مِنۢ بَعْدِ إِذْنِهِۦ ۚ ذَٰلِكُمُ ٱللَّهُ رَبُّكُمْ فَٱعْبُدُوهُ ۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ

Indeed, your Lord is Allah, who created the heavens and the earth in six days and then established Himself above the Throne, arranging the matter [of His creation]. There is no intercessor except after His permission. That is Allah, your Lord, so worship Him. Then will you not remember?

Tunay na ang Panginoon ninyo, O mga nagtataka, ay si Allāh na lumikha ng mga langit, sa kabila ng kadambuhalaan ng mga ito, at ng lupa, sa kabila ng pagkalawak nito, sa anim na araw. Pagkatapos pumaitaas Siya at umangat Siya sa Trono. Kaya papaano kayong nagtataka sa pagsusugo Niya ng isang lalaking kabilang sa lahi ninyo? Siya lamang ay ang nagtatadhana at nagtatakda sa kaharian Niyang malawak. Hindi ukol sa isa na mamagitan sa Kanya sa anuman malibang matapos ng pahintulot Niya at pagkalugod Niya sa tagapamagitan. Ang nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay si Allāh, na Panginoon ninyo, kaya magpakawagas kayo sa Kanya sa pagsamba – tanging sa Kanya. Kaya hindi ba kayo napangangaralan sa pamamagitan ng mga patotoo at mga katwirang ito sa kaisahan Niya? Ang sinumang mayroong pinakamababang pagkapangaral ay nakaalam niyon at sumampalataya sa Kanya.

4

إِلَيْهِ مَرْجِعُكُمْ جَمِيعًۭا ۖ وَعْدَ ٱللَّهِ حَقًّا ۚ إِنَّهُۥ يَبْدَؤُا۟ ٱلْخَلْقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ لِيَجْزِىَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّٰلِحَٰتِ بِٱلْقِسْطِ ۚ وَٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ لَهُمْ شَرَابٌۭ مِّنْ حَمِيمٍۢ وَعَذَابٌ أَلِيمٌۢ بِمَا كَانُوا۟ يَكْفُرُونَ

To Him is your return all together. [It is] the promise of Allah [which is] truth. Indeed, He begins the [process of] creation and then repeats it that He may reward those who have believed and done righteous deeds, in justice. But those who disbelieved will have a drink of scalding water and a painful punishment for what they used to deny.

Tungo sa Kanya lamang ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon upang gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo. Nangako si Allāh sa mga tao niyon ayon sa isang pangakong tapat na hindi Siya sisira roon. Tunay na Siya ay nakakakaya niyon. Nagsisimula Siya ng pagpapairal sa nilikha ayon sa walang naunang kahalintulad. Pagkatapos nag-uulit Siya nito matapos ng kamatayan nito. [Ito ay] upang gumanti Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa mga sumampalataya sa Kanya at gumawa ng mga gawang maayos ayon sa katarungan sapagkat hindi Siya nagbabawas mula sa mga magandang gawa nila at hindi Siya nagdaragdag sa mga masagwang gawa nila. Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya ay magkakaroon ng isang inumin mula sa tubig na pinalabis-labis ang init na magpuputul-putol sa mga bituka nila, at magkakaroon ng isang pagdurusang nakasasakit dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa Kanya at sa mga sugo Niya.

5

هُوَ ٱلَّذِى جَعَلَ ٱلشَّمْسَ ضِيَآءًۭ وَٱلْقَمَرَ نُورًۭا وَقَدَّرَهُۥ مَنَازِلَ لِتَعْلَمُوا۟ عَدَدَ ٱلسِّنِينَ وَٱلْحِسَابَ ۚ مَا خَلَقَ ٱللَّهُ ذَٰلِكَ إِلَّا بِٱلْحَقِّ ۚ يُفَصِّلُ ٱلْءَايَٰتِ لِقَوْمٍۢ يَعْلَمُونَ

It is He who made the sun a shining light and the moon a derived light and determined for it phases - that you may know the number of years and account [of time]. Allah has not created this except in truth. He details the signs for a people who know

Siya ang gumawa sa araw na sumisinag ng tanglaw at nagkakalat nito at gumawa sa buwan bilang liwanag na ipinanliliwanag. Nagtakda Siya sa pag-inog ng buwan ng bilang ng mga yugto nito na dalawampu't walo. Ang yugto ay ang distansiyang tinatahak nito sa bawat araw at gabi. [Ito ay] upang malaman ninyo, O mga tao, sa pamamagitan ng araw ang bilang ng mga araw at sa pamamagitan ng buwan ang bilang ng mga buwan at mga taon. Hindi lumikha si Allāh ng mga langit at lupa at ng anumang nasa pagitan ng mga ito kundi ayon sa katotohanan upang lumitaw ang kakayahan Niya at ang kadakilaan Niya sa mga tao. Naglilinaw si Allāh nitong mga patunay na maliwanag at mga patotoong hayag sa kaisahan Niya para sa mga taong umaalam sa pagpapatunay roon sa pamamagitan ng mga ito.

6

إِنَّ فِى ٱخْتِلَٰفِ ٱلَّيْلِ وَٱلنَّهَارِ وَمَا خَلَقَ ٱللَّهُ فِى ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ لَءَايَٰتٍۢ لِّقَوْمٍۢ يَتَّقُونَ

Indeed, in the alternation of the night and the day and [in] what Allah has created in the heavens and the earth are signs for a people who fear Allah

Tunay na sa pagkakasunuran ng gabi at maghapon sa mga tao, anumang isinasama niyon na dilim at tanglaw at ikli ng isa sa dalawa at haba nito, at mga nilikhang nasa mga langit at lupa ay talagang may mga palatandaang nagpapatunay sa kakayahan ni Allāh para sa mga taong nangingilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.

7

إِنَّ ٱلَّذِينَ لَا يَرْجُونَ لِقَآءَنَا وَرَضُوا۟ بِٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا وَٱطْمَأَنُّوا۟ بِهَا وَٱلَّذِينَ هُمْ عَنْ ءَايَٰتِنَا غَٰفِلُونَ

Indeed, those who do not expect the meeting with Us and are satisfied with the life of this world and feel secure therein and those who are heedless of Our signs

Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya ay hindi umaasa sa pakikipagkita kay Allāh para mangamba sila sa Kanya o mag-asam sila nito. Nalugod sila sa buhay na pangmundong maglalaho sa halip ng buhay na pangkabilang-buhay na mananatili. Natiwasay ang mga sarili nila rito bilang pagkatuwa rito. Ang mga pabaya sa mga tanda ni Allāh at mga patunay Niya ay mga umaayaw sa mga ito, na mga nalilingat.

8

أُو۟لَٰٓئِكَ مَأْوَىٰهُمُ ٱلنَّارُ بِمَا كَانُوا۟ يَكْسِبُونَ

For those their refuge will be the Fire because of what they used to earn.

Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito, ang tuluyan nilang kakanlungan nila ay ang Apoy dahilan sa kinamit nilang kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling sa Araw ng Pagbangon.

9

إِنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّٰلِحَٰتِ يَهْدِيهِمْ رَبُّهُم بِإِيمَٰنِهِمْ ۖ تَجْرِى مِن تَحْتِهِمُ ٱلْأَنْهَٰرُ فِى جَنَّٰتِ ٱلنَّعِيمِ

Indeed, those who have believed and done righteous deeds - their Lord will guide them because of their faith. Beneath them rivers will flow in the Gardens of Pleasure

Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga gawang maayos ay nagtutustos sa kanila si Allāh ng kapatnubayan tungo sa gawang maayos na nagpapaabot sa kaluguran Niya dahilan sa pananampalataya nila. Pagkatapos magpapasok sa kanila si Allāh sa Araw ng Pagbangon sa mga hardin ng kaginhawahang mamamalagi habang dumadaloy mula sa ilalim nila ang mga ilog.

10

دَعْوَىٰهُمْ فِيهَا سُبْحَٰنَكَ ٱللَّهُمَّ وَتَحِيَّتُهُمْ فِيهَا سَلَٰمٌۭ ۚ وَءَاخِرُ دَعْوَىٰهُمْ أَنِ ٱلْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ ٱلْعَٰلَمِينَ

Their call therein will be, "Exalted are You, O Allah," and their greeting therein will be, "Peace." And the last of their call will be, "Praise to Allah, Lord of the worlds!"

Ang dalangin nila sa Paraiso ay ang pagluluwalhati kay Allāh at ang pagbabanal sa Kanya. Ang pagbati ni Allāh sa kanila, ang pagbati ng mga anghel, at ang pagbati ng isa't isa sa kanila ay kapayapaan. Ang pangwakas sa dalangin nila ay ang pagpapapuri kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilikha sa kabuuan ng mga ito.

Commentary: Al-Mukhtasar in Interpreting the Noble Qur'an by Tafsir Center for Quranic Studies. Qur'an text and translation via AlQuran Cloud.